^

PSN Showbiz

Aktor walang interes sa magaganda, mas buhay ang dugo sa mga beking balyena ang bulsa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahusay magdala ng mga milagro sa kanyang buhay ang isang kilalang male personality. Napakasimple lang niya, parang wala siyang kamuwangan sa mundo ng mga beki, pero ‘yun ang home base niya.

Marunong siyang kumilatis kung sino ang beking papatusin niya, hindi siya basta-basta makukuha sa text at tawag lang, nagri-research muna siya.

Kuwento ng aming source, “Kita n’yo naman, kahit wala siyang pelikula at regular TV show, bonggang-bongga ang lifestyle niya! Magarang kotse, mga branded stuff, carry n’yo ‘yun?

“Kasi nga, e, malawak ang network niya, alam niya kung sinu-sino ang puwede niyang i-close, alam din niya ang mga nagpapanggap lang!

“Ginagawa lang niyang Quiapo ang iba-ibang bansa, di ba? Wala siyang gastos sa pagliliwaliw, ang taya siyempre du’n, e, ang gay benefactor niya!

“At hindi isa lang ‘yun, ha? Marami siyang sinasamahan sa ibang bansa, ‘yun ang dahilan kung bakit kahit wala siyang work, e, maayos ang kabuhayan showcase ng male personality,” buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Ang tanong, meron na ba siyang naging girlfriend, artista man o hindi? Waley pa! Mara­ming nagkakagusto sa kanya dahil mabait siya at guwapo pero wala siyang panahon sa pakikipag­relasyon sa girls.

Balik-kuwento ng aming source, “Ipagduldulan n’yo man sa kanya ang pinakamagandang babae d’yan, e, deadma lang ang male personality. Wala siyang pakialam sa mga kababaihan!

“Pero oras na nakarinig siya ng kuwento tungkol sa isang beki, lalo na kung yayamanin, e, siguradong interesado siya! Aalamin niya na kung ano ang work ng beki, kung gaano ba kayaman ‘yun, du’n buhay na buhay ang dugo ng male persona­lity!

“In fairness, panalo naman ang mga beki sa kanya dahil ang kutis ni male personality, e, kakabog sa skin ng maraming artista d’yan!

“Bukod sa mukhang malinis na siya sa katawan, e, balitang-balita pa na taga-Dakota Harrison siya! Nakakalokah ang mga kuwento tungkol sa male personality na ‘yun na produkto ng isang talent search!

“Maaga siyang natuto sa buhay, palibhasa, e, siya ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya. Hindi siya waldas, masinop siya sa datung, kaya naiayos na niya ang buhay ng family niya sa probinsiya nila.

“Marunong siyang manghuli ng isda kung ‘yun ang linya niya. Hindi siya pumapatol sa mga gurami, ang pinipili niya talaga, e, kasinglaki ng balyena!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Dating aktor yumaman sa pagiging bugaw!

Isang text ang tinanggap namin kahapon nang umaga bilang karagdagang impormasyon sa aming blind item tungkol sa isang dating young actor na ngayon ay isa nang Boogie Wonderland.

Sabi ng aming texter, “Kilalang-kilala ko po ang blind item n’yo sa PSN. Doble o triple pa ang kinikita niya kesa sa mga ibinu-book niya. Malakas siyang mangumisyon.

“Minsan po, e, sumasalang din siya, depende po ‘yun sa trip ng client niya, booker na siya, e, puwede pa siyang player mismo in bed,” kuwento ng aming source.

Ibang source naman ang nagkuwento sa amin na ang cellphone ng dyugaling na aktor ay punumpuno ng numero ng mga male personalities na ibinu-book niya sa mga beki at matrona.

“Siya ang nakakaalam kung sinu-sinong male perso­nalities ang tumatawag sa kanya kapag may matinding pangangailangan. Ang dami-daming gumagawa ng ganu’n!” sabi pa ng aming source.

Ganern!

Kris ayaw nang isugal ang buhay sa MMFF movie

Nakarating sa amin ang impormasyon na nag-backout na si Kris Aquino sa pelikulang pagtatambalan sana nila ni Derek Ramsay na pang-MMFF.

Health reasons ang binanggit na dahilan ng ­aming kausap, hindi raw pumayag ang mga kapatid ni Kris na gumawa siya ng pelikula, dahil baka mas maging kumplikado ang kanyang sakit.

Kung ang mga kuwento kasi ni Kris ang ating gagawing barometro ay mukhang hindi nga niya kakayaning magtrabaho sa ngayon dahil sa kanyang sitwasyon.

Bawal sa kanya ang ma-stress, bawal din siyang magpuyat, kaya bakit nga naman niya isusugal ang kaisa-isa niyang buhay para lang masabing may ginagawa siyang proyekto?

Ang istoryang ito ay sa ngayon, hindi namin alam kung bukas ay magbago na naman ang takbo ng utak ni Kris Aquino, baka ituloy pa rin niya ang paggawa ng pelikula kahit pa may sakit siya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with