^

PSN Showbiz

Jane nagkaroon ng instant aura

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Jane nagkaroon ng instant aura

SEEN: Napaiyak ang asawa ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas na si Yasmine nang mabasa nito ang balita tungkol sa one-year-old boy na pinagsamantalahan at pinatay sa Makati City noong July 16, 2019 ng laborer na si Gerald Reparip. Hindi nag-iisa si Yasmine dahil galit ang nararamdaman ng sambayanang Pilipino sa karumal-dumal na krimen.

SCENE: Si Gina Pareño ang unang artista na nagpahayag ng galit sa pang-aabuso at pagpatay sa paslit na bata. Nagsalita ang veteran actress na dapat ibalik ang death penalty sa Pilipinas.

SEEN: Si Gina Pareño ang gaganap na lola ni Sarah Geronimo sa Unforgettable ng Viva Films at The Idea First Company. Puring-puri ni Gina ang kabaitan at husay ni Sarah sa pag-arte.

SCENE: Ang paglilinaw ng former Sexbomb Girls dancer na si Sheena Flores de Castro na hindi siya ang dancer na nahuli sa drug buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna. US-based na si Sheena, nagtatrabaho bilang flight attendant sa Amerika at may isa nang 2-year-old daughter.

SEEN: Ang biglang pagkakaroon ni Jane de Leon ng star aura mula nang ilabas ng Star Cinema ang official announcement na siya ang gaganap na Darna. Young Jean Saburit ang tingin ng entertainment press kay Jane sa unang movie presscon nito, ang 2017 movie ng Regal.

SCENE: Si Sue Ramirez ang bida sa The Debutantes at isa si Jane de Leon sa mean girls na nang-aapi sa kanya.

SEEN Ang singer-stage actor na si Arman Ferrer ang aawit ng Philippine National Anthem sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa Lunes.

SCENE: Triangulo ang pamagat ng kanta na ginamit sa Indak, ang dance movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 7. Sina Nadine Lustre, Sam Concepcion at Nicole Omillo ang umawit ng Triangulo sa pelikula na pinagbibidahan nila.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with