^

PSN Showbiz

Carla binigyan na uli ng trabaho!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Carla binigyan na uli ng trabaho!
Carla Abellana

MANILA, Philippines — Matutuwa nito ang supporters ni Carla Abellana dahil mapapanood na nila uli ng regular ang aktres dahil may gagawin na siyang teleserye. Hindi pa lang alam ng source namin ang title ng teleserye, kung sino ang director at kung sino ang mga makakasama ni Carla.

Ang nabanggit lang sa amin, dalawa ang makakapareha ni Carla at isa roon ay si Mikael Daez. Sa August na raw sisimulan ang taping ng bagong teleserye ng GMA 7 na pagbibidahan ni Carla.

Bukod sa teleserye, may gagawin ding pelikula si Carla kasama ang isang sikat na aktor na bawal pang pangalanan. Ang tsika lang, nang malaman ni Carla kung sino ang makakasama, tuwang-tuwa ito at kung pwede lang simulan na ang shooting.

Samantala, masaya ang TomCar fans nina Carla at Tom Rodriguez dahil magkasama ang dalawa sa TVC ng isang brand ng sardinas. May billboard na ang dalawa, kaya ang biro ng fans, papakyawin nila ang Ligo sardines.

Raymond nag-downgrade sa role!

Sa presscon ng Malamaya, natanong si Raymond Bagatsing kung hindi ba downgrade sa kanya ang nasabing pelikula pagkatapos ng pelikulang Quezon’s Game na pinuri ng kritiko at ng moviegoers.

Sagot ni Raymond, maganda ang Malamaya at entry nga sa 2019 Cinemalaya at maganda ang role niya bilang isang potter.

“It’s something different. My inspiration is Patrick Swayze in the movie, Ghost. I’m also excited about the treatment of the directors, of the changing look and colors of the film as the film progresses,” sabi ni Raymond.

Special role ang gagampanan ni Raymond sa Malamaya at dahil magaling na aktor, kahit hindi siya ang bida at kahit ilang eksena lang siya mapapanood, siguradong tatatak pa rin ang karakter niya sa moviegoers.

Sa August 4, ang simula ng screening ng pelikula sa 2019 Cinemalaya na tatakbo mula August 2 to 13 at ang Gala Night sa CCP Main ay sa Aug. 6. Sa Aug. 4 naman ang commercial theatrical run ng pelikula mula sa direction nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.

Jolo at fiancée todo PDA sa social media

Very much in love talaga si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa fiancée niyang si Angel Alita dahil may pinost si Jolo na wacky photo nito at ang caption “Kahit wacky ang ganda mo pa din. I love you.”

Sa isa pang photo ni Angel, ang caption ni Jolo ay “I love you today, tomorrow, and always! My forever!” Sinagot siya ni Angel ng “Ang sweet naman po. I love you very much” na kinakiligan ng mga nakabasa.

Sa Instagram (IG) ni Angel, may litrato silang tatlo ni Jolo at ng anak nitong si Gab at ang tawag sa kanila ni Angel ay “My BBs” at mababasa ang sagot ni Jolo na “Miss you bebi” at “I miss you also gab!!”

Sa December na raw ang kasal nina Jolo at Angel na ngayon pa lang, binabantayan na ng marami.                                    

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with