^

PSN Showbiz

The Eddys winners hindi pwedeng kontrahin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
The Eddys winners hindi pwedeng kontrahin!

Gusto ko ang naging choices ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa mga award na ipinamigay ninyo Salve sa The Eddys noong Linggo.

Hindi na matatawaran ang acting prowess ni Dingdong Dantes na ipinakita nito sa halos lahat ng pelikula na ginawa niya.

Type na type ko si Dingdong sa Seven Sundays dahil kitang-kita ang brilliance niya bilang mahusay na aktor.

Si Kathryn Bernardo, ang Best Actress winner, among the young stars ang talagang nagpakita noon pa man ng acting maturity sa mga teleserye na pinagbidahan niya.

Nakakainggit ang body of work ni Kathryn kaya alam natin na magtatagal ang acting career niya.

Grabe rin ang suwerte ni Arjo Atayde dahil nabibigyan siya ng mga acting piece na nagpapakita ng kanyang galing na sure na minana niya mula kay Sylvia Sanchez.

Siguro nga, lucky charm ni Arjo si Maine Mendoza dahil bongga ang lahat ng mga nangyayari sa buhay at career niya nang magkaroon sila ng relasyon.

Hindi matatawaran ang training ng Best Supporting Actress winner na si Max Collins na talagang sa umpisa pa lang, magagaling na artista ang kanyang nakasama sa unang project niya noon, sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon at Dingdong na pawang magagaling kaya hasang-hasa siya sa pag-arte.

Maganda ang line up ng winners dahil credible, maganda rin ang takbo ng awards night, magaganda ang mga production number at napapanahon ang theme dahil ipinagdiriwang ngayong 2019 ang 100 Years of Philippine Cinema.

Gusto ko rin ang ginagawa ng SPEED na nakabihis ang mga members na naghanda at iginalang ang kanilang gabi ng parangal. Congrats, SPEEd for a job well done.

Pinoy celebrities ayaw tumulad sa Hollywood stars!

Sana lang maturuan na ang mga Pinoy star na tulad ng Hollywood counterparts nila, magkaroon sila ng panahon sa award-giving bodies na nagbibigay-importansya sa kanilang mga ginagawa na pelikula.

Sa Hollywood, basta nominated ang mga artista, dumadalo sila sa gabi ng parangal, maliban na lang kung talagang may mabigat na dahilan.

Iniuukol nila ang buong gabi sa pagkakataon para magbigay ng respeto sa mga tao na nagpapahalaga sa kanilang mga performance at trabaho.

Matalo o manalo, nakabihis sila, nakaayos, dahil malaking bagay sa kanila ang mga natanggap na nominasyon.

Ibang-iba sa Pilipinas na masyadong sigurista ang mga artista na dadalo lang sa awards night kapag sigurado na mananalo sila na isang masama na pag-uugali kapag inisip.

Nasaan ang pagiging sport? Nasaan ang camaraderie, ang pagiging grateful sa mga tao at award-giving body na nagbigay ng nominasyon?

Napakaganda sana na tingnan ang lahat ng mga artista na binabati ang mga nanalo.

Isang pagkakataon din ang awards night para magkita-kita ang lahat, magkumustahan at ipakita na maligaya sila.

Ang hindi pagsipot ng ibang mga nominado at nanalo sa awards night ang isang dahilan kaya hindi na popular at hindi na exciting ang mga ganoong event.

Nakabawas din ang absence ng nominees na no-show para tanggapin ang mga parangal sa kanila. Hindi sila nagpapakita ng respeto sa award-giving bodies na kumikilala sa husay nila.

Sayang ang isang gabi na makikita sana ang kinang ng mga bituin, sa­yang ang pagod  na ‘heto gabi n’yo ito’ pero hindi naman sila dumating.

Nararapat talaga na ipakita rin ng mga miyembro ng award giving bodies ang suporta nila sa mga artista na cooperative, nagpapakita ng respeto at pagmamahal sa kanilang organisasyon.

vuukle comment

SPEED (SOCIETY OF PHILIPPINE ENTERTAINMENT EDITORS)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with