^

PSN Showbiz

Kris itutuloy ang (k)ampon dahil kay Sen. Bong Go?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris itutuloy ang (k)ampon dahil kay Sen. Bong Go?!
Kris

Hindi pa nagsu-shooting si Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival entry niyang (K)Ampon. Hindi pa tuloy matiyak kung kasali ba talaga siya sa pelikula dahil ang latest lang na nabalitaan ko ayaw pa raw munang mag-shoot ni Kris ng August.

Pero may mga usap-usapang baka hindi na raw ituloy ni Kris dahil sa kalagayan ng kalusugan niya.

Nagpa-survey pa siya sa social media kung tatanggapin ba niya o hindi pero keber na ito sa iba, at meron pa ngang follower na nagsabing magpahinga na lang muna siya at ibigay na lang sa ibang aktres ang said project.

Kaya mapagkumbaba namang sinagot ni Kris na siya raw ang pinaka-underdog sa lahat na may entries sa naturang festival.

Siya lang daw ang walang regular show kagaya yung kina Vice Ganda, Anne Curtis, Vic Sotto at Maine Mendoza. Aminado rin si Kris na hindi niya panahon ngayon, kaya hindi raw niya talaga inaasahang mapipili ang pelikula niya.

Aware rin siya na isa sa Executive Committee si Sen. Bong Go na alam naman daw niyang fair ito. Kasi nga naman, may entry si Robin Padilla pero hindi ito napasama.

Bahagi ng mahabang sagot niya sa kanyang Instagram account; “Why would a festival under MMDA choose a movie starring Kris Aquino, right? Alam na alam kong hindi namin panahon ngayon but maybe Senator Bong Go, who is the executive committee, is really a man who plays FAIR and looks beyond politics.

“Diretsong sagot ha, kung wala siya sa committee it would be easier for me to decide. But a door was opened for me after so many had been shut. Kaya napaisip na puwede pa rin pala to go beyond our perceptions & have faith.”

May punto rin naman si Kris sa sagot niyang iyun, pero baka nga maganda ang script kaya yun ang napili.

Best script ang pinili para makapasok sa first batch ng walong entries ng MMFF 2019.

Kampante naman si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na gagawin ito ni Kris. Wala pa naman daw pasabi si Kris na hindi na niya gagawin. Hintayin na lang muna nila pagkatapos ng August, dahil dun pa lang puwedeng mag-shoot si Kris.

Samantala, medyo naguguluhan pa rin ako kung talagang script nga ba ang basehan ng apat na pelikulang pinili sa MMFF.

Narinig ko rin kasi nang ma-interview ni Ogie Diaz si Vice Ganda sa radio program niya, hindi pa raw final na Momalland ang title nila. Hindi pa raw nila ma-finalize ang title nang isinumite nila ang script.

Hindi ko lang maisip kung gaano kaganda ang script gayung hindi pa nga nila ma-finalize ang title.

Mga kakilala ni Neil pumiyok sa bintang na baon sa utang ang pakakasalan ni Angel

Ayaw lang ipabanggit ang pangalan ng mga close friends ni Neil Arce, pero sila ang nag-react sa lumabas na balitang baon daw sa utang si Neil na baka si Angel Locsin pa raw ang sumalo sa mga utang nito pag kasal na sila.

Kahit daw mag-flop pa ang mga pelikulang pinu-produce ni Neil, hindi raw maubusan ng pera dahil sobrang yaman daw ng Mommy niya.

Huwag na raw isipin ang pera ng pamilya Arce, o kahit ang Arce Ice Cream, dahil sa ina pa lang daw ng producer at negosyante, sobra-sobra raw.

Exact na linya nga na sinabi ng isang close friend ni Neil; “parang laro lang sa kanya ang pagpu-produce sa dami ng pera niya. Kahit malugi siya, hindi mawawalan ng pera yan. Walang utang yan!”

Naalala ko rin na may isang avid listener kami sa radio program namin sa DZRH na nagpakilalang kamag-anak niya si Neil.

Kilalang-kilala raw niya ang buong pamilya ni Neil at sobrang yaman daw ng pamilya lalo na ang ina nito.

Wala pang sinasabing eksaktong detalye, pero pinaplano na raw ang kasal nina Neil at Angel.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with