^

PSN Showbiz

Kathryn naudlot ang pagiging bridesmaid noon kina Marian at Dingdong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn naudlot ang pagiging bridesmaid noon kina Marian at Dingdong
Kathryn at Marian

Kamakailan lang ay very vocal si Kathryn Bernardo sa pagsasabi na si Marian Rivera ang gusto niyang susunod na makatrabaho at ito ang pinakamaganda sa lahat ng artista para sa kanya.

Alam ni Kathryn ang kanyang sinasabi dahil nagkasama na sila ni Marian noong 2010 sa Philippine adaptation ng Endless Love.

Si Kathryn ang gumanap na Jenny o young Marian at kahit hindi sila nagkaroon ng eksena na magkasama, naging close ang dalawa at hanggang ngayon, maganda ang samahan nila.

Kung matatandaan ninyo, isa sana si Kathryn sa mga bridesmaid ni Marian nang ikasal ito kay Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ang kaso, hindi puwede si Kathryn dahil may out of the country commitment siya noon kaya nag-apologize siya kina Marian at Dingdong. Aminado si Kathryn na big fan siya ng Dantes couple.

Masarap para sa isang artista na may kapwa artista siya na mahal at hinahangaan, gaya nang pag­hanga at pagmamahal ni Kathryn kay Marian.

Julie Anne kailangan ng hit song

Mabuti naman at may concert si Julie Anne San Jose pagkatapos ng Cagayan de Oro show nila ni Christian Bautista noong first week ng July 2019.

Julie Anne Sings with the Divas ang pamagat ng concert ni Julie Anne sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa July 20 at special guest niya ang international singer na si Arnel Pineda.

Kakantahin ni Julie Anne ang mga hit song ng mga sikat na Diva gaya ni Barbra Streisand.

I will admit na hindi tulad ng ibang kanta ng mga singer, hindi ako masyadong pamilyar sa mga song ni Julie Anne.

Hindi kagaya nang kapag narinig natin ang Hindi Na Natuto, alam agad natin na si Gary Valenciano ang kumanta.

‘Yung Nandito Ako, hit song ni Ogie Alcasid, si Randy Santiago ang singer ng Hindi Magbabago. Ako si Ogie Alcasid at si Regine Velasquez ang kumanta ng Kailangan Ko’y Ikaw.

Si Julie Anne, up to now, wala pang nakatatak na kanta sa utak ko. Baka this time, kapag nag-perform na si Julie Anne ng mga hit song ng mga sikat na Diva, baka may isang kanta na magpapaalaala sa akin na siya ang kumanta.Sa totoo lang, isang hit song lang ang kailangan ni Julie Anne at kapag nangyari ito, jackpot na siya.

Excited at talagang pinaghandaan ni Julie Anne ang one night only concert niya sa The Theatre dahil hindi siya tumanggap ng ibang mga commitment.

More than twenty songs ang minemorya niya at talagang nag-level up na siya. Tiyak na magugustuhan ng mga manonood ng Julie Anne Sings the Divas.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with