^

PSN Showbiz

Maris at Inigo aminadong na-miss ang isa’t isa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris at Inigo aminadong na-miss ang isa�t isa
MarNigo

Kamakailan ay nagkitang muli sina Maris Racal at Inigo Pascual. Magkasamang duma­lo ang dalawa sa media presentation para sa pangatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Kalahok dito ang kauna-unahang pelikulang pinagtambalan ng dalawa na I’m Ellenya L.

“Excited na po kami dahil almost two years po namin ito hinintay. Ito na finally dahil blessed na blessed pa kami kasi kabilang siya sa PPP which is isa din sa dream namin dati pa, habang sinu-shoot namin and very happy lang,” nakangiting pahayag ni Maris.

Aminado ang aktres na talagang na-miss niya si Inigo at ganoon din naman daw ang aktor. “Oo naman,” giit ng dalaga. “I performed couple of my songs nang hindi kasama si Maris and I told her, iba pa din pala ‘pag kasama ko siya sa performance,” sagot ni Inigo. “Wow! Nice to know ah,” natatawang dagdag naman ni Maris.

Kahit napabalitang magkakanya-kanya nang proyekto ang dalawa ay posible pa rin umanong magtambal muli sa pelikula sina Maris at Inigo. “Game kami, itong movie na ‘to, noong napanood namin, I said before to not act anymore but if it’s with Maris, I’ll do it,” nakangiting pahayag ni Inigo.

“Game ako and kung may work with Inigo, and kung madali lang ‘yan gawin. Kasi ‘yung vibe namin, masaya lang,” pagtatapos ni Maris.

Mapapanood sa mga piling sinehan ang mga pelikulang kalahok sa PPP simula September 13 hanggang 19.

Alyssa at JM puwedeng magkainlaban

Masayang-masaya si Alyssa Muhlach dahil nakapirma nang kontrata sa ABS-CBN. Excited na ang dalaga na makagawa ng iba’t ibang proyekto sa Kapamilya network. “Mahilig kasi ako sa mga romcom (romantic-comedy) na movies, so ‘yon ang mga nilu-look forward kong mga projects, romcom or about family. Kasi I’m also close to my family,” bungad ni Alyssa.

Anak ang dalaga ng aktres na si Almira Muhlach at dating basketbolista na si Bong Alvarez. Pinasok ni Alyssa ang show business mula nang makoronahan bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2018. Nakasama na ang baguhang aktres sa pelikulang Clarita na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria.

“I’m really, really grateful especially to my manager. Siya talaga nag-ayos ng lahat. Umuwi po ako from Bolivia, doon po ako nag-compete (noong isang taon), and pag-uwi nag-go see na ako dito, gano’n siya ka-efficient. I’m super grateful kasi I was able to do Clarita from Black Sheep and sobrang naging successful po,” pagbabahagi niya.

Makakatambal ni Alyssa si JM de Guzman sa teleser­yeng Pamilya Natin. Parehong walang karelasyon ang dalawa kaya posibleng magkaibigan sa totoong buhay. “Yes po, napakabait po na lalaki ni JM, and he’s a gentleman. He’s really kind to everybody,” pagtatapat ng dalaga.(Reports from JCC)

vuukle comment

ALYSSA MUHLACH

MARIS RACAL AND INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with