^

PSN Showbiz

Xian nagpatulong sa nanay para matapos ang dinirek na pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Xian nagpatulong sa nanay para matapos ang dinirek na pelikula
Xian

Simple lang at hindi na gaanong nag-focus si Xian Lim sa celebration ng kanyang 30th birthday nung nakaraang linggo.

Mas aligaga raw siya ngayon sa post-production ng first directorial movie niyang Tabon na entry sa Cinemalaya 2019.

Nasa scoring na lang daw siya at medyo maselan si Xian sa sound dahil mystery thriller itong pelikula niya.

Kapansin-pansin nga sa entries ngayon ng Cinemalaya na wala gaanong malalaking artista na kalahok na ngayon pa lang nakasali sa naturang festival.

Tinanong nga namin si Xian sa radio program ng kaibigang Noel Ferrer bakit hindi siya kumuha ng mga ka-level niya.

Kilala naman si Christopher Roxas na bida sa pelikula niya, pero nalilinya ito sa mga supporting roles.

Kaya sobrang kinakarir ni Gladys Reyes ang pag-promote dahil siya malamang ang pinaka-excited sa pelikulang ito ng asawa niya.

Hindi raw iniisip ni Xian ang commercial value ng pelikula niya. Nung nagka-casting siya, mas tinitingnan niya kung akma sa role.

“Para sa akin, I’m not really concerned sa commercial na…usually yung iba nagku-compromise sa…para sa akin dun sa story, ito yung type ng cast.

“Ayokong ma-compromise na sana walang hahadlang…very supportive yung mga people around me.

“Nakita na kasi namin sa mga sinehan ang trailer ng Belle Dolleur ni Atty. Joji Alonzo na naka-schedule na agad ang showing nito sa August 14.

“Pagkatapos na pagkatapos ng Cinemalaya, may commercial release na agad ang pelikulang ito nina Mylene Dizon ay Kit Thompson.

“Wala pa po ako sa distribution eh,” pakli ni Xian.

“I have no idea in terms of commercial distribution,” dagdag niyang pahayag.

Pero siyempre, gusto rin ni Xian na mabawi ang ipinuhunan niya na mabuti na lang naku-control daw ng Mommy niya.

Malaking tulong nga raw ng Mommy niya pagdating sa finances para matapos ang pelikula niya.

“Nagpatulong lang ako sa kanya in terms of…kasi even sa may personal ko na pagkuha ng money, siya talaga ang nagbabantay.

“Alam mo naman baka mamaya kuha lang ako nang kuha hindi na alam yung sa mga expen­ses,” saad ng Kapamilya actor.

Lalo tuloy na-inspire si Xian na magdirek pa ng mga pelikula.

May mga material na raw siyang puwedeng i-produce.

“Sana pagpalain po ng budget,” nakangiti niyang pahayag.

Kilalang indie actor na nambubugaw na rin, muntik nang tikman ang kargada ng foreigner na model!

Kilala sa indie films itong aktor na ito na hindi namin akalain, nagbibigay na rin pala siya ng mga guwapong models sa kaibigang mayayamang ba­ding.

Parang ayaw nga namin maniwala, pero dalawa na ang nagkuwentong nag-aalok daw siya sa mga mayayamang bading na close naman niya ng mga hunk at guwapong models na sumusubok na rin sa pag-aartista.

Meron daw isang may foreign blood na model na inalok niya sa mayamang kaibigan.

Medyo tempting daw ang offer dahil bongga naman daw talaga si model.

Ang ikinaloka lang ni model, kailangang i-screen pa raw muna siya ni indie actor.

Pinaghubad daw siya at kailangan tingnan kung bongga ang kargada para sulit naman daw ang give ni mayamang bading.

Pumayag naman daw si model dahil medyo nakukulit na raw siya ni indie actor.

Ang ikinagulat lang ni guwapong model, biglang napaupo raw si indie actor at akma nang isusubo. Tikman lang daw sandali. Hindi nakapagpigil, bumigay na dahil ang bongga naman daw kasi ni guwapong model.

Napaatras ito at tumanggi si model dahil dun lang daw siya sa may pay!  

Pero okay na rin daw si indie actor dahil na-sight naman niya at muntik-muntikan nang dumampi sa kanyang mga labi.

Dingdong nagsalita sa pagsali ni Marian sa Descendants...

Soon daw makilala na kung sino ang napiling leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun.

May padudang baka si Marian Rivera, pero sabi lang ni Dingdong, “Soon makikilala nyo siya.”

Nang sumunod na mga pahayag niya, parang hindi nga si Marian dahil napagkasunduan na raw nila ni Marian, na sa bahay muna ito at siya ang magtatrabaho.

Kapag ready na raw bumalik sa work si Ma­rian, siya naman daw ang nasa bahay.

So, ibig sabihin malabong magkasama sila sa Descendants of the Sun dahil pareho silang magti-taping niyan at walang maiiwang magbantay sa kanilang mga anak.

“Pero bilib ako kung paano mag-alaga si Ma­rian sa mga bata. Kaya kampante ako kapag wala ako sa bahay,” nakangiting pahayag ni Dingdong nang nakatsikahan namin sa launch ng Ensure Gold nung nakaraang Sabado kasama si Geleen Eugenio.

Bale pang-apat na taon nang ini-endorse ni Dingdong ang Ensure Gold na ang una niyang nakasama ay ang kanyang Daddy.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with