^

PSN Showbiz

Alfred nagpagawa na ng gym sa Bahay

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Alfred nagpagawa na ng gym sa Bahay
Alfred

SEEN: Para sa karamihan ng mga Pilipino, narating na ni Senator Manny Pac­quiao ang rurok ng kanyang popularidad bilang boksingero kaya nabawasan na ang interes nila sa boxing fight ng Pambansang Kamao at ng American boxer na si Keith Thurman sa darating na Sabado, July 20 (Sunday morning, July 21 sa Pilipinas) sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

SCENE: Ang balita na hindi pabor ang mga theater owner at ang mga movie producer na ilipat sa araw ng Biyernes ang pagbubukas sa mga sinehan ng mga bagong pelikula dahil makakaapekto ito sa kanilang mga negosyo.

SEEN: Ang paniniwala ng karamihan na basta maganda ang pelikula, panonoorin ito kahit anong araw na magbukas sa mga sinehan. Marami sa Tagalog films ang sumesemplang sa takilya.

SCENE: Daig nang maagap ang masipag. Sa mga pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa September 2019, ang The Idea First Company ang pinakamaaga na naglabas ng hilarious teaser ng The Panti Sisters, ang pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

SEEN: Mikael ang pangalan ng baby boy na bagong apo nina Senator Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado. Si Mikael ang youngest child ng anak nina Bong at Lani, ang former actress na si Inah Revilla at ng asawa nito na si Vince del Rosario.

SCENE: Saludo si Christopher Ro­xas kay Xian Lim bilang direktor. Si Christopher ang bida sa Tabon, ang unang movie directorial job ni Xian. Para kay Christopher, malaki ang potensyal ni Xian na maging maga­ling na direktor, base sa resulta ng pelikula na ginawa nila na official entry sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival. Nagpapasalamat si Christopher  kay Xian dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lead role sa Tabon. 

SEEN: Dahil sa kanyang busy schedule, nagpagawa si Alfred Vargas ng sariling gym sa bahay niya sa Quezon City. May personal trainer si Alfred na tumutulong sa kanya na ma-achieve ang ideal weight niya.

SCENE: Ni-reshoot ang ilang eksena ng isang pelikula dahil hindi satisfied ang direktor na hindi nagdalawang-isip na gumastos para sa ikagaganda ng kanyang pet project na pinagbuhusan niya ng panahon at atensyon.

vuukle comment

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with