^

PSN Showbiz

Michael V. May storyboard bago kunan ang mga eksena

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Michael V. May storyboard bago kunan ang mga eksena
Michael V.

SEEN: Fit inspiration si Michael de Mesa ng kanyang mga kaibigan. Sa edad na 59, physically fit si Michael dahil sa kanyang work out regimen.

SCENE: Ipinagdiwang ni Xian Lim ang kanyang 30th birthday noong Biyernes, July 12, 2019. Ibang Xian ang mapapanood sa Untrue dahil nabigyan niya ng justice ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo.

SEEN: Madalas na mag-trending sa Netflix ang Philippine adaptation ng Miss Granny, ang pelikula ni Sarah Geronimo na nagpanalo sa kanya ng best actress award sa 35th Star Awards for Mo­vies noong nakaraang buwan.

SCENE: Ang social media ang ginagamit ng fans ni Pasig City Mayor Vico Sotto para iparating ang pagkahumaling nila sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Literal na nililigawan at nakakatanggap si Vico ng marriage proposals mula sa kanyang mga obsessed admirer.

SEEN: Metikuloso na direktor si Michael V. dahil gumagawa pa siya ng storyboard bago niya kunan ang mga eksena. Malaki ang potensyal ni Michael V. na maging direktor ng mga television commercial dahil sa kanyang mga estilo.

SCENE: Out of the country si Edu Manzano dahil siya ang co-host ng isang popular chef sa The Crawl, ang travel-food show ng Metro Channel. Susuyurin ni Edu at ng chef ang lahat ng mga sikat na restaurant sa New York City.

SEEN: Solo na bumiyahe sa isang Asian country si Lilybeth Romero, ang longtime partner ng sumakabilang-buhay na legendary actor na si Eddie Garcia.

SCENE: May bahid ng katotohanan ang sinabi ng Thai beauty queen na si Coco Arayha Suparurk na “fat” si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Medyo “nagkalaman” si Catriona sa recent photos niya na lumalabas kaya imbes na ma-offend ang supporters niya na binatikos nang husto ang Thai beauty queen, dapat magbawas ng timbang ang reigning Miss Universe.

vuukle comment

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with