^

PSN Showbiz

Jameson, naging mapangahas kay Iza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jameson, naging mapangahas kay Iza
Jameson at Iza

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Iza Calzado at Jameson Blake para sa digital series na 400 Miles. Malapit nang mapanood ang bagong serye sa iwant.ph. “Okay naman, doing good, sa Tuguegarao (nag-shoot), daring enough. It’s more of life connection sa isa’t isa, the love with each other,” bungad ni Jameson.

Nakaramdam daw ng pagkailang ang Hashtags member nang gawin ang maseselang eksena nila ng aktres lalo pa’t labing-apat na taon ang agwat ng edad nila.

Ayon kay Jameson ay ito na marahil ang pinakamapangahas niyang ginawa sa isang proyekto. “Sigu­ro sa una, pero afterwards, okay, okay na pala. Siyempre brush teeth, nag-wash. Kasi si Miss Iza minsan tensed din siya, kinakabahan din siya. Pero kapag action na, we can’t really do anything about it. So far go with the flow na lang. So far pinaka-daring na nagawa ko,” naka­ngiting kwento ng aktor.

Malaking tulong para kay Jameson na ilang beses na silang nagkatrabaho ni Iza sa mga teleserye ng ABS-CBN kaya hindi na masyadong nahirapan sa kanilang mga eksena. “Buti nakapag-warm up ako sa Ngayon at Kailanman. But this time it’s different because Miss Iza is older than me. It’s challenging but it’s easier for me siyempe kasi kilala ko na siya. since A Love to Last, Ngayon at Kailanman, so we really got along sa mga serye. So when we worked again for this series, I didn’t feel much pressure,” pagtatapos niya.

John Lloyd kumpirmdong gusto na uling magtrabaho!

Kumpirmardong magkakatambal muli sina Claudine Barretto at Piolo Pascual sa isang pelikula mula sa Star Cinema. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikulang Milan na pinagbidahan ng dalawa noong 2004. Si Olivia Lamasan ang gumawa ng nasabing pelikula pero ngayon ay si Cathy Garcia-Molina na ang nakatakdang maging direktor ng bagong proyekto.

“Kwento ni direk Olive Lamasan ‘yon matagal na matagal na. Ako ay very thankful na ibibigay niya sa akin ‘yung kwento. Gustung-gusto ko ‘yung kwento nito. This is very different, something new for both me ang Piolo,” nakangiting pagbabahagi ni direk Cathy.

Katulad ng naunang pelikula ay sa ibang bansa rin nakaplanong kunan ang mga eksena para sa reunion movie nina Claudine at Piolo. Nilinaw naman ng direktor na hindi ito karugtong o sequel ng Milan. “Actually dapat last project ko si Piolo, Piolo-Claudine dapat ‘yung last project ko (bago magretiro). Pangako ko ‘yon kay Piolo. Pero mukhang gagawa pa ako ng isa. Kasi may isa pang taong malapit sa puso ko ang hindi ko kayang hindian,” makahulugang pahayag ng direktor.

Kamakailan ay napabalitang magbabalik na si John Lloyd Cruz sa trabaho kaya posibleng makagawa muli ng pelikula. Matatandaang si direk Cathy rin ang gumawa ng It Takes A Man and a Woman, A Second Chance, One More Chance, You Changed My Life,’ at A Very Special Love, na pinagbidahan ng aktor. “Kasi tumawag si Lloydie sa akin, nagulat nga ako eh. ‘Ano ‘tong nababalitaan kong magre-retire ka na?’ Sabi niya sa akin. So natuwa naman ako. Ang usapan namin, pagbalik ko (gagawa sila ng pelikula),” kwento ni direk Cathy. (Reports from JCC)

vuukle comment

IZA CALZADO

JAMESON BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with