^

PSN Showbiz

Bea papasukin na rin ang pagsusulat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Bea papasukin na rin ang pagsusulat
Bea

May balak maging scriptwriter ni Bea Alonzo dahil nag-enroll ang aktres sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee. Kabilang si Bea sa batch 22 ng mga nag-enroll na kinabibilangan nina director Jay Altarejos, actors Candy Pangilinan, Mikoy Morales at Vaness del Moral at multi-media personality Noel Ferrer.

Naalala namin, mahilig magbasa ng libro si Bea at isa ‘yun sa inirason niya kung bakit mahusay siyang magsalita ng English at kung bakit ‘pag nagsasalita ng English, may mga ginagamit na English words na makukuha lang sa pagbabasa ng libro o any other reading materials.

Hintayin natin kung ano ang unang isusulat ni Bea after her graduation, kung para ba sa TV o sa pelikula. Maganda ring abangan ang unang script ni Bea.

Samantala, pinasaya nina Bea at John Lloyd Cruz ang kanilang fans nang magkasama sa TVC ng Turks at kasama pa si Piolo Pascual. Ang wish ng fans, ang susunod na pagsasama ng dalawa ay sa pelikula na.

Mowelfund nilinaw ang pagbebenta ng lote

Nakausap namin si Boots Anson-Rodrigo sa mediacon ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko na kung saan, gina­gampanan niya ang role ni Adora, protective mother ni Matteo (Rayver Cruz).

May pagkakontrabida ang karakter ni Boots na nang bago tanggapin, nag-usap muna sila ni director Jorron Monroy. Ang karakter niya ay hindi ‘yung tipo na nanlilisik ang mga mata, nakapameywang ‘pag nagagalit at sasabunutan ang bida. Pumayag si direk Jorron, kaya natuloy sa role ni Adora ang veteran actress.

May pagka-suspense-horror ang concept ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko na lahat yata ng cast, takot sa multo, kaya nagdadasal muna ang cast at production staff bago simulan ang taping.

Sa July 22, pagkatapos ng Eat...Bulaga mapapanood ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, Monday to Saturday, kaya laging mara­ming eksena ang kinukunan every taping day.

Anyway, nilinaw ni Boots na hindi nila ibenenta ang lote na kinatatayuan ng Mowelfund. What they did ay pumasok sa partnership with a construction company na kung saan, ang DMCI Homes ang magapatayo ng townhouses sa lote ng Mowelfund at hati sila sa mapagbebentahan ng townhouses.

Sa pamamagitan ng partnership, may income ang Mowelfund at hindi na sila masyadong aasa sa fund-raising to raise funds for their members.

Ang unang ipapatayo ng DMCI Homes ay ang six-storey office ng Mowelfund na ilalagay sa harap ng location para hindi na kailangang pumasok pa sa loob ng compound ang members na bibisita sa office.

Heart hindi gagamitin ang sapatos na may pirma ni Louboutin

Pinost ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram (IG) ang high-heeled shoes na may autograph ni Christian Louboutin na ang nakasulat ay “Pou Heart all my love” (heart emoji) at saka pinirmahan.

Ang caption ni Heart sa pinost na shoes ay “So I guess I’m never gonna use these” dahil sayang nga naman kung masisira ang mamahaling sapatos na may personalized autographed ni Louboutin.

May mga nagpahayag ng inggit kay Heart at may nag-comment pa nga na kung sa kanya nangyari ‘yun, hindi rin niya gagamitin ang sapatos at ilalagay niya sa isang glass case para hindi masira.

Samantala, nakakapag-travel pa rin si Heart kahit isa siya sa council ng Starstruck dahil taped ang SS, kaya maluwag ang schedule ng council. Kagagaling lang ni Heart sa Paris and who knows, may susunod pa siyang mga biyahe.

Pangalan ni Maymay may kulay sa poster

In fairness, valid ang tanong ng isang fan kung bakit may kulay ang pangalan ni Maymay Entrata sa poster ng Hello, Love, Goodbye na tampok sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kumpara sa pangalan ng ibang cast, iba rin ang kinalalagyan ng pangalan ni Maymay sa ibang kasama.

Hindi basher ang nag-comment, fan din siya ni Maymay at nagtataka lang daw siya at masaya rin na binigyan ng magandang billing si Maymay sa movie na showing sa July 31.

Samantala, bukod sa cast, guest sa concert ng Hello, Love, Goodbye sa July 20, sa Skydome SM North Edsa. Magpi-perform din sina Angeline Quinto, Acel, Davey Langit, Ylona Garcia, Patrick Quiroz, Wilbert Ross, Justin Vasquez at KD Estrada.

vuukle comment

BEA ALONZO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with