^

PSN Showbiz

Rufa Mae bitbit ang anak sa mga show abroad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae bitbit ang anak sa mga show abroad
Rufa Mae & Alexandria

Nakita ko noong Linggo sa international airport ng Bangkok si Rufa Mae Quinto, kasama ang kanyang two-year-old daughter na si Alexandria.

Cute naman ang mag-ina at hindi natin aakalain na hands on mother si Rufa Mae sa pag-aalaga ng kanyang baby girl.

Kahit sexy star si Rufa Mae, nanay na nanay ang dating niya at close na close sila ng anak niya.

Nanggaling ang mag-ina sa Bahrain dahil nagkaroon dito ng show si Rufa Mae.

Sinabi ni Rufa Mae sa akin na she makes it a point na kahit saan siya pumunta, kasama ang kanyang anak at ang yaya nito para hindi sila nagkakahiwalay nang matagal.

Nice job for a working mother lalo pa’t long distance ang relationship nila ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes na San Francisco-based.

Nagtatrabaho sa Amerika ang dyowa ni Rufa Mae na puwedeng sumunod doon pero ayaw iwanan ang showbiz career niya sa Pilipinas.

Mabuti na lang, malaking tulong ang social media para sa communication nina Rufa Mae at Trevor. Anytime, puwede silang mag-usap via Facetime at Viber.

May direct flight naman ang PAL sa Manila to San Francisco kaya kapag talagang kailangan, bibiyahe lang si Rufa Mae at ‘yun na, mawawala na ang pagka-miss nila ng kanyang asawa sa isa’t isa. Bongga!

Kris at Perry may dalawang swerte ang second hand bags

Sad ako dahil naputol ang handle ng very first Louis Vuitton one nighter bag ko na regalo ni Kris Aquino.

Ibinigay sa akin ni Kris ang Louis Vuitton bag na may kasama na panlalait dahil nakita niya na generic lang ang hand carry bag ko na mas maganda lang nang konti sa eco bag.

“Ay naku Nay Lolit you carry that around kahit sa abroad? My gosh, so gross’ Here I will give you na lang my LV para sosyal, five times ko pa lang nagamit ‘yan,” ang dialogue noon ni Kris sa akin.

Pero siyempre dahil 30 years ago na yata ang nakalipas kaya bumigay na ang LV bag na courtesy of Kris.

Ang sabi nga nina Gorgy at Salve, sobrang bigat ng LV bag dahil parang may bato sa loob nito kaya nasira ang handle.

But in fairness, mas maganda ang LV bag kapag luma na kesa bago na parang nagyayabang ka. Lucky giver din ng bag si  Kris Aquino na parang si Perry Lansigan dahil lapitin ng pera ang mga bag na ibinibigay nila sa akin.

Pero gaya ng LV one nighter bag na bigay ni Kris, dapat si­guro na medyo maghinay-hinay na ako sa travels.

At siyempre, kahit second hand ang ibibigay sa akin ni Kris na hand carry LV bag, tatanggapin ko dahil lucky giver sila ni Perry. Nakuha n’yo ba ang message ko, mahal kong Kris at Perry? Ipadala n’yo na agad sa akin ang inyong used travel bag para sa next biyahe ko.

vuukle comment

LOUIS VUITTON BAG

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with