^

PSN Showbiz

Isko inaawitan ng forever sa paglilinis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Isko inaawitan ng forever sa paglilinis
Manila City Mayor Isko Moreno

Sure ako na natutuwa si Buhay-party list Representative Lito Atienza sa paglilinis na ginagawa ni Manila City Mayor Isko Moreno sa Maynila mula nang maupo ito sa puwesto noong July 1, 2019.

Dating mayor ng Maynila si Papa Lito na malaki ang nagawa para mapaganda at mapalinis ang lungsod.

Saksi ako noon sa kalinisan ng Maynila sa ilalim ng administrasyon ni Papa Lito dahil sa tuwing may presscon siya, sa Maynila ang venue kaya nakita ko na naibalik niya ang lost glory ng lungsod.

Pero sad lang dahil nang matapos ang term ng paglilingkod ni Papa Lito, muling bumalik sa sorry state ang Maynila dahil hindi naipagpatuloy ang kanyang rehabilitation at beautification projects.

Sana nga, forever ang gagawin ni Isko sa paglilinis sa Maynila at makiisa sana ang mga Manileño dahil para sa kanilang kapakanan ang ginagawa ng kanilang mayor.

Kinumpirma rin ni Papa Lito na may mga sindikato sa Maynila na pinagkakakitaan ang illegal vendors sa Divisoria, Carriedo, Avenida at Blumentritt.

Sinabi ni Papa Lito na ang sindikato sa Divisoria ang pinakamalaki na kumita kaya believable talaga ang rebelasyon ni Isko na may nag-offer sa kanya ng P5 million per day bribe para hindi niya pakialaman at alisin ang mga illegal vendor na nag-ookupa sa major streets ng Maynila.

‘Wa ko na type Korea’

Naku Salve at Gorgy, dapat nang tapusin ang lahat ng travels natin this year.

Na-feel ko na ang pagod sa biyahe at imagine, ang gastos ko sa Bangkok ay ang massage dahil sa sakit ng legs ko sa sandaling pamamasyal.

Na-feel ko na rin ang sawa sa mga food na kinakain natin at kahit si Jo In-sung ang magyaya sa akin sa Korea, wah ko na type.

Hindi na rin ako watch ng Pacquiao-Thurman fight at hindi ko na rin love na mag-grocery sa supermarket ng Hong Kong.

Hihingin ko na lang na cash ang mga travel gift sa akin para sa next year, di ba Mama Marivic, Tet at Lynette?

Saka kapag nagyaya si Mama Cris at Aileen sabihin ko huwag na muna ‘di ba Budingding at Leo?

Exception to the rule kapag may destination wedding pero dapat, love ko pareho ang mga ikakasal ‘no? Hindi lang groom o ang bride. Dapat silang dalawa, demanding pa at choosy ako di ba?

Pero at the age of 72 going 73, madali na talaga ako na mapagod kaya next time mga rich Asian friends ko, cash na lang ang ibigay ninyo tulad nina Dra. Vicki Belo, Rubby Sy at Papa Joey Santos, hahaha. Spoiled brat talaga ako. Thank you God, thank you for all the blessings. I love you.

Online seller sobra ang ginawang panloloko

Sobra na talaga ang panloloko na ginagawa ng online seller na Sole Search Manila. Niloko na nga nila si Vanni Patillas ng IVI Meth, heto pa si Laurice na naloko rin ng P7K.

Na-i-imagine ko kung gaano karami na ang mga tao na naloko ng Sole Search Manila.

Ano ba ‘yan, walang honor system! Nagbayad ang mga kostumer nila tapos hindi ibibigay o isosoli ang bayad kung wala ang item o produkto na in-order?

Ang mga ganyang klase ng tao ang dapat na matokhang at isumbong sa NBI para matigil na ang kanilang mga ginagawa na panloloko.

Saka dapat, ibigay muna nila ang produkto na binili bago sila tumanggap ng bayad. Sole Search Manila, please ibalik n’yo na ang pera nina Laurice at Vanni.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with