^

PSN Showbiz

Angeline, napi-pressure nang mag-asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, napi-pressure nang mag-asawa
Angeline Quinto

Nakararamdam na ng pressure si Angeline Quinto sa tuwing sinasabi ng kanyang Mama Bob na gusto nitong mag-asawa na siya. Sa ngayon ay wala namang karelasyon ang singer. “Lagi akong napi-pressure kasi kapag nagsasabi ang Mama Bob ng, ‘Bakit hindi ka pa mag-asawa?’ Lagi kong sinasabi sa kanya na ang dami ko pa kasing trabaho. So alam din naman kasi ng Mama Bob ko kung gaano ko katagal inantay itong moment na ‘to. So ‘yon talaga ‘yung priority ko, ‘yung trabaho ko,” pagbabahagi ni Angeline.

Si Mama Bob na ang tumayong magulang ng dalaga mula pagkabata kaya talaga namang malaki ang pasasalamat ng singer dito. “Walang kapantay ‘yon. Palagi kong ipinagmamalaki kahit noon pa ang Mama Bob ko. Sinasabi nga nila sa akin na, ‘Ang swerte-swerte ng Mama Bob mo kasi nga in-adopt ka niya.’ Kasi ganito kami ngayon (maganda na ang buhay). Pero ang lagi ko namang sinasabi, ‘Kung sinasabi n’yong swerte ang Mama Bob ko, mas swerte ako na sa kanya ako napunta.’ Kasi kung wala pong Mama Bob ay wala pong Angeline,” makahulugang pahayag ng singer.

Samantala, ngayong Biyernes na gaganapin sa Araneta Coliseum ang Angeline K ‘To Concert Namin ‘To concert nina Angeline at K Brosas. Isa sa magiging guest sa show ay si Erik Santos na minsan na ring naugnay kay Angeline.

Fumiya aminadong takot kay Jake

Aminado ang Pinoy Big Brother Otso housemate na si Fumiya Sankai na malaki talaga ang pag­hanga niya kay Kylie Verzosa. Matagal na raw crush ng Japanese housemate si Kylie kaya naman tinawagan namin ang beauty queen nang mag-guest si Fumiya sa amin sa Tonight with Boy Abunda upang magkausap ang dalawa. “You are sobrang ganda. And your boyfriend also, pogi,” ang nasabi ni Fumiya kay Kylie.

Ayon kay Fumiya ay malaki rin ang takot niya sa kasintahan ni Kylie na si Jake Cuenca. Kamakailan ay inamin ng aktor na mahigit pitong buwan na silang magkarelasyon ng dalaga. “Pero Kylie’s… the boyfriend, takot ako,” giit ng binata.

Kilala si Fumiya bilang isang online video blogger at talagang maraming tagahanga ang housemate. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ng binata si Alex Gonzaga na isa rin sa mga sinusubaybayan sa Pilipinas pagdating sa paggawa ng online blogs. “We are talking but still no collaboration. Someday gusto ko,” pagtatapos niya. Magkatrabaho na sina Alex at Fumiya ngayon sa Home Sweetie Home: Extra Sweet na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa Kapa­mil­ya network. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with