^

PSN Showbiz

Richard at Beauty pinu-push ang loveteam

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Richard at Beauty pinu-push ang loveteam
Richard Yap, Beauty Gonzales

Isa siguro sa magsisilbing challenge sa tsinitong actor na si Richard Yap sa pagsali niya sa matagumpay na seryeng Kadenang Ginto ay magawang bukang bibig din ang character niyang si Leon na katulad ng naging pagsikat ng mga character niyang sina Papa Chen at Sir Chief. Hindi lamang ang pangalan ng character niya ang bago sa Kadenang Ginto kundi maging ang leading lady niyang si Beauty Gonzales. Matagal nang natapos ang Be Careful with My Heart pero tinatawag pa rin siyang Sir Chief at iniuugnay kay Jodi Sta. Maria.

Sa bago niyang palabas, his fans are hoping na ma-establish siya kay Beauty at matanggap ang pagpapareha sa kanila romantically. Hindi naman pwedeng si Daniela (Dimples Romana) lamang ang may lovelife sa series, kailangan siya rin.

Magsisimula na agad ang Book 3 ng pinakasusubaybayang serye, at pwede siyang mataba.

Mga bagitong director tampok sa Cinemalaya

Mas marami ang bagitong direktor na magpapakilala sa mga manonood ng sine sa Cinemalaya 2019 na magsisimula ngayong Agosto 7-13.

Isa rito si Xian Lim sa siyang sumulat ng kuwento at nagdirek ng pelikula niyang Tabon na nagtatampok kay Christopher Roxas. Sampung pelikula ang kasali sa 15th Cinemalaya: Ani nina Kim Zuniga at Sandro del Rosario; Belle Douleur, Atty. Joji Villanueva Alonzo; Children of the River, Maricel Cabrera Cariaga; Iska, Theodore Boborol; John Denver Trending, Arden Rod Condez; Malamaya (The Color of Ash), Leilani Chavez; Edward, Thop Nazareno; Fucc Bois, Edward Roy, Jr., Pandanggo sa Hukay, She­ryl Rose Andes; Tabon, Xian Lim. 

Moira malaki ang pakinabang sa show

Malaki ang pakinabang ni Moira dela Torre sa Idol Philippines, mas lalo siyang nakilala at dumami pa ang programang nilalabasan. Nakakatuwa din siyang hurado dahil madaling makuha ang boto niya, hindi nangangailangan ng contestants ng vocal calisthenics para niya magustuhan. This early, meron nang lumabas na pwedeng maging Idol Philippines, isang lalaki, siya nga kaya ang palarin?

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with