^

PSN Showbiz

Sarah awang-awa kay Matteo nang makita ang ginagawa sa kampo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah awang-awa kay Matteo nang makita ang ginagawa sa kampo!

Kamakailan ay nagtapos na sa kanyang training si Matteo Guidicelli para sa pagiging scout ranger reservist sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan. May pagkakataon na kinaawaan ang aktor ng kasintahang si Sarah Geronimo nang minsang dumalaw ang dalaga sa training. “She visited me one time. Nakita niya ‘yung tent namin doon. ‘Yung tent namin ng kasama ko ‘yung isang buddy ko, ang pangalan niya si Cañete, taga-PMA, buddy ko ‘yon. (Maliit ang tent) Dito ako, diyan siya. Tapos ‘yung ga­mit namin, tapos nasa sahig na kami. Sabi niya, ‘Love, iuwi na lang kita please. Huwag na tayo rito,’” pagdedetalye ni Matteo.

Matatandaang pumasok ang aktor sa Army Reserve Command nito lamang Abril. Kahit nasaksihan ng Popstar Royalty ang mga ginagawang pagsasakripisyo sa Army Reserve Force ay suportado naman daw nito ang binata. “Minsan sinasabi ko kay Sarah, ‘Love, hindi ka ba naaawa sa akin?’ ‘Eh gusto mo na ‘yan.’ I asked her permission. Sinabi ko I will be responsible, I will be safe,” nakangi­ting kwento pa ng aktor.

Gerald suportado sina Bea at John Lloyd

Napapadalas ang pagkikita nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz nitong mga nakaraang linggo. Dahil dito ay may bulung-bulu­ngan na posible muling magtambal sa isang proyekto ang dalawa na ikinatuwa naman ng mga tagahanga.

Ayon naman sa kasintahan ng aktres na si Gerald Anderson ay hindi na lingid sa kanyang kaalaman na posibleng magkatrabahong muli sa isang pelikula sina John Lloyd at Bea. “Matagal ko nang alam ‘yon,” nakangiting bungad ni Gerald.

Kung sakaling matuloy ang proyekto ay wala naman daw magi­ging problema sa binata. Sa halip ay susuportahan ni Gerald ang nobya dahil aminado ang aktor na talagang tagahanga rin siya ng tambalan nina Bea at John Lloyd kahit noon pa man. “Hindi ko sila kilala pero napanood ko sila sa TV. Hindi ko pa sila kilala, hindi ko alam na ganoon kalaking artista sila. Crush ko si Bea noon eh,” kuwento ng aktor.

Sa katunayan ay ang pelikulang Now That I Have You na pinagbidahan nina Bea at John Lloyd ang kauna-unahang pelikulang Tagalog na napanood ni Gerald. “14 years old ako noon. Takbo kami sa sinehan, nag-tricycle pa kami papunta sa mall. Kumain kami kasi nanalo kami sa basketball. So may pambayad kami,” natatawang pagbabahagi ng binata.

Magtatatlong taon nang magkasintahan sina Bea at Gerald at ang aktor pa umano ang kumukumbinsi sa aktres na muling gumawa ng pelikulang pagtatambalan nila ni John Lloyd. “Sabi ko nga eh, ‘Dapat gumawa na kayo ng pelikula. Doon kayo nakilala talaga. ‘Yung love team n’yo, maraming nakaka-miss sa inyo.’ Sobrang refreshing, di ba? Si John Lloyd, sobrang na-miss natin sa mga movie niya. I think lahat naman kami (sa Star Magic) really look up to him and Piolo (Pascual) sa pagiging artista. It’s good to see him back. Sana tuluy-tuloy at bumalik na siya,” pagtatapos niya.  (Reports from JCC) 

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with