^

PSN Showbiz

Lovely actress hindi mapatawad ng kaibigang negosyante sa patung-patong na utang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nasa ibang bansa na ang buong pamilya ng isang businesswoman na madalas hingan ng tulong na pampinansiyal ng isang pamosong aktres ilang taon na ang nakararaan.

Hindi naging maganda ang kanilang huling pag-uusap ng female personality, naglabas ng kanyang sama ng loob ang negosyante, sinabi talaga nito ang lahat ng kanyang nararamdaman laban sa aktres.

Kuwento ng aming source, “Paano naman, e, kung anu-ano nang kalokohang katwiran ang sinasabi ni ____(pangalan ng kilalang aktres) sa inuutangan niyang businesswoman.

“Napakalaki ng naitulong sa kanya nu’ng tao, kahit saang lupalop pa siya nandu’n, oras na tumawag siya sa kaibigan niyang businesswoman, e, tapos agad ang problema niya!

“Halimbawa, magliliwaliw sila ng pamilya niya sa ibang bansa, ang kaibigan niya ang nagbu-book sa kanila, ang businesswoman muna ang magbabayad sa airline tickets, hotel accommodation at kung anu-ano pa!

“Wala na siyang iniintindi, ‘yung kaibigan na niya ang sumasagot sa lahat-lahat, ganu’n siya ka-spoiled sa friend niya!

“May popondohan siyang check, ang friend din niya ang nagpopondo, talagang ganu’n na lang kung suportahan siya ng kaibigan niya!” patotoo pa ng aming impormante.

Nu’ng una ay nakatutupad naman ang female personality sa pagbabayad, patak-patak lang kung magbayad siya ng utang, pero okey na ‘yun sa businesswoman kesa naman sa wala.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Pero nu’ng magpatung-patong na ang utang niya, e, nagsimula na siyang magtago. Palaging wala siya sa bahay ang sagot ng mga maids niya.

“Kahit nandu’n naman ang sasakyan ng female personality, nakaalis na raw ang sinasabi ng kanyang mga kasambahay, turuan na ang mga sumasagot sa phone!

“Minsan, e, natiyempuhan siya sa phone ng businesswoman, pinagmumura siya, sobrang galit na galit na kasi sa kanya ‘yung taong madalas niyang pagtaguan!

“Ang sabi sa kanya, ‘Hindi bale na sanang hindi ka nakapagbabayad, pero ang pagtaguan mo ako at gaguhin, hindi na ako makapapayag! Maganda ka pa naman, pero basura ang ugali mo!’

“Hindi na niya siningil ang female personality, pera lang daw naman ‘yun, kikitain din niya dahil may mga negosyo naman siya. Ayaw na niyang ma-stress sa pani­ningil, kaya hanggang ngayon, pagkatapos nang mara­ming taon, may utang pa rin sa kanya ang female personality.

“Oo nga naman, ang ganda-ganda pa naman ng babaeng ‘yun kahit wala siyang make-up. Lovely talaga siya, pero nakakainis, sabi ng businesswoman!” pagtatapos ng ­aming source.

Ubos!

Luis hinihintay mag-alok ng kasal kay Jessy

Madalas pagsabungin ngayon sa social media sina Angel Locsin at Jessy Mendiola, ang noon at ngayon sa buhay ni Luis Manzano, iniinsulto si Jessy ng mga bashers dahil engaged na si Angel kay Neil Arce.

Maraming patutsada kay Jessy, nakakaawa raw naman ang girlfriend ni Luis dahil hanggang d’yan lang naman ang kanyang maaasahan, hindi raw ito pakakasalan ng kanyang boyfriend.

Isa lang sa maraming mapapaklang mensahe para kay Jessy na nabasa namin, “Paano na ‘yan, Jessy baby, pakakasalan na si Angel ng boyfriend niya? Ikaw, asa ka pa! Pakakasalan ka ba naman ng boyfriend mo, e, lahat naman ng babae, inaalok niya ng kasal?”

Pinagkukumpara ang kapalaran nina Jessy at Angel na napakaligaya ngayon dahil sa alok na kasal ng negosyanteng si Neil Arce.

Hindi siyempre kontrolado nina Luis at Jessy ang dila ng bashers, pero siyempre’y nasasaktan sila sa mga patutsada, parang hinuhusgahan na agad ng bashers ang masaklap na kauuwian ni Jessy kay Luis.

Pero napag-uusapan na rin naman nila ang pagpapakasal, kaya lang ay hindi pa muna siguro ngayon, kaya hindi naman tamang ikumpara ang sitwasyon ni Jessy kay Angel.

Mahilig pa naman sa sorpresa si Luis Manzano, malay natin, baka isang araw ay malaman na lang natin na walang sabi-sabi pero nagpakasal na pala sila ni Jessy.

Hindi imposible ‘yun.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with