^

PSN Showbiz

Cherry Pie ilalantad kung paano pinatawad ang pumatay sa nanay

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie ilalantad kung paano pinatawad ang pumatay sa nanay

MANILA, Philippines — Kilalang maka-Diyos ang premyadong aktres na si Cherry Pie Picache, ngunit nasubukan ang kanyang pananampala­taya nang brutal na paslangin ang kanyang inang si Zenaida Sison noong Setyembre 2014.

Ilang taon matapos ang trahedya, ibabahagi ni Cherry Pie ang buong kuwento ng kanyang pagpapatawad, kabilang ang kanyang pagharap sa taong kumitil sa buhay ng kanyang ina sa dokumentaryong  Radical Love ng ABS-CBN DocuCentral. Mapapanood ito sa Linggo (Hulyo 7) sa Sunday’s Best pagkatapos ng GGV sa ABS-CBN.

Nadiskubreng patay sa pananaksak ang ina ng beteranong aktres sa bahay nito sa Quezon City. Ang suspek ay ang houseboy ni Zenaida na si Michael Flores.

Ayon sa awtoridad, pagnanakaw ang pakay ni Michael ngunit nauwi ang krimen sa pagpatay sa kanyang amo.

Inamin ni Michael ang krimen at nahatulan siya ng habangbuhay na pagkakakulong.

Hindi man nabawasan ang pananampalataya ni Cherry Pie sa Diyos, kinuwestyon naman niya ang abilidad niyang magpatawad sa taong gumawa ng ganoong krimen sa kanyang magulang.

“’Di ba ‘yung mawawalan ka ng magulang, ang sakit na? Kapag naaalala mo pa na ganoon ang way, she doesn’t deserve it. Paano ka hihingi ng tawad kung hindi ka magpapatawad?” sabi ni Cherry Pie.

Sa gitna ng kanyang pagluluksa at pag-imbestiga sa mga pangyayari, nanatili ang pananampalataya niya sa Diyos. Bago pa nangyari ang krimen, adbokasiya na ni Cherry Pie ang tulungan ang mga nakabilanggo na magbagong buhay. Dito niya naisip na posibleng mapatawad niya si Michael.

Sa Radical Love, babalikan ni Cherry Pie ang mga lumipas na taon matapos pumanaw ang ina, at paghahandaan ang pagkikita nila ni Michael sa New Bilibid Prison at nadalhan niya pa ng tinapay.

Sa kanyang desisyong magpatawad, masasabi na ba niyang nakakuha na siya ng katarungan at kapayapaan matapos ng nangyari sa kanyang ina?

 Panoorin ang dokyumentaryong Radical Love, na gawa ng ABS-CBN DocuCentral.Panoorin ang mga replay sa Hulyo 14 (Linggo) ng 7 pm sa DZMM TeleRadyo at sa Hulyo 15 (Lunes) ng 7 pm sa ANC. Mapapanood rin ito sa iWant.ph pagkatapos ng premiere sa Sunday’s Best. 

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with