^

PSN Showbiz

Andrea, napasasaya ni Seth

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, napasasaya ni Seth
Seth & Andrea

Isa sa mga kinakikiligang tambalan sa telebisyon ngayon ay sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin ng teleseryeng Kadenang Ginto. Ilang buwan pa lamang mula nang mapabilang ang baguhang aktor sa serye. May mga nagsasabing bagay talaga sina Andrea at Seth kaya posibleng maging magkasintahan sa totoong buhay. “Hindi ko pa masasabi. Kasi siyempre kinikilala ko pa siya nang husto. Hindi ko pa po masasabi siguro,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Para kay Andrea ay napagagaan ng binata ang kanilang trabaho ngayong sila na ang magkatambal. “Kasi sobrang nakakatawa si Seth. Kapag dumating siya ang dami niyang napapasaya, napapatawa. Isa na rin ako roon siyempre. Lalo na kapag ‘yung eksena mabigat, nandiyan siya tapos hindi na siya mabigat,” kuwento ng aktres.

Kamakailan ay namatay ang lolo ni Andrea at isa raw si Seth na talagang tumulong na maibsan ang kalungkutan ng dalagita. “Nagte-taping po ako habang nasa ospital ang lolo ko. Sa kanya ko lang rin shini-share kasi ayaw ko isipin ng tao na malungkot ako tapos aalalahanin nila ako. Tapos nandiyan siya palagi. Sobrang naa-appreciate ko na nandoon siya bilang kaibigan ko. Kasi siya lang ang nandoon para sa akin. Bago pa lang kaming magkakilala noon at doon ko naramdaman na totoo siyang kaibigan, na mapagkakatiwalaan ko,” pagbabahagi niya.

Morissette, co-mentor at co-host na ni Michael Bolton

Kababalik pa lamang ni Morissette Amon sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa na kanyang pinagtanghalan. Nakasama ng singer ang Introvoys para sa series of shows sa Amerika. Nagpunta rin si Morissette sa Japan kasama ang pamunuan ng Disney para makipag-usap kina Will Smith at ang mismong composer ng A Whole New World na si Alan Menken. Napahanga sina Will at Alan sa rendition ni Morissette ng nasabing theme song.

“Just being able to give my own twist and represent the country in a classic, but of course being able to give twist to another Lea Salonga classic. So I’m just really, really grateful,” bungad ni Morissette.

Nanirahan ng isang buwan ang singer sa Singapore para sa taping ng Asian Dream kung saan ay co-host at fellow mentor din ni Morissette si Michael Bolton. Ipalalabas sa iba’t ibang bansa sa Asya ang nasabing reality talent search bago magtapos ang taon. “It’s a new experience just getting to mentor, to co-host with Michael. It’s challenging pero it’s nice to be able to relate to the contestants kasi ako mismo, galing din ako sa isang singing competition,” paglalahad ng singer.

Pinaghahandaan na ngayon ni Morissette ang isang malaking concert bilang selebrasyon ng kanyang ika-sampung taon sa music industry. “Hopefully I’ll be able to do something big for that. I’m praying for that. Kasi iba pa rin ang feeling na makapag-perform,” pagtatapos ni Morissette. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with