^

PSN Showbiz

Kaya lumiban sa 'Showtime': Vice Ganda naospital muli

James Relativo - Philstar.com
Kaya lumiban sa 'Showtime': Vice Ganda naospital muli
Ang box-office actor, kapansin-pansin kasing wala sa mga episodes ng "It's Showtime" ngayong linggo.
Instagram/Vice Ganda

MANILA, Philippines — Isiniwalat sa publiko ng komedyante't noontime show host na si Vice Ganda na muli siyang na-confine sa pagamutan, dahilan kaya't saglit na nawala siya sa mata ng publiko.

Ang box-office actor, kapansin-pansin kasing wala sa mga episodes ng "It's Showtime" ngayong linggo.

"Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of The Medical City for taking good care of me for three days," sabi niya sa isang tweet Miyerkules ng hapon.

(Maraming salamat sa mga kahanga-hangang doktor, nurse at mga kawani ng The Medical City sa pag-aalaga sa akin ng tatlong araw.)

Dagdag pa ni Vice, mababait at "ang aliwalas" ng mga healthcare professionals na nag-asikaso sa kanya bago siya tuluyang umuwi.

Hindi naman idinetalye ng artista kung ano ang karamdamang iniinda kamakailan.

Matatandaang sinabi rin ni Vice nitong Sabado na masama ang kanyang pakiramdam ngunit sumipot pa rin sa programang "Idol Philippines," kung saan isa siya sa mga hurado.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi rin na nagpaskil siya ng ilang video sa kanyang Instagram story kung saan sumasailalim siya sa ilang pagsusuri.

Maya't mayang sakit?

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na labas-masok ng ospital si Vice, na may tunay na pangalang Jose Marie Viceral, nitong mga nagdaang buwan.

Taong 2018 nang hindi tapusin ni Vice ang pag-ere ng "Showtime" matapos dumiretsong magpa-CT scan.

"Sorry di ko na natapos ung TnT (Tawag ng Tanghalan) naka-schedule kasi ang CT Scan ko ngayon ng 4pm so i have to go na to the hospital. Pray for me ha," sabi niya noong ika-10 ng Abril.

Sa ulat ng Pang-Masa, sinabing nais niyang malaman kung pwede nang tanggalin ang "tubo" sa kanyang katawan na dalawang buwan nang nakalagay sa kanya.

Kaugnay ito ng pagkakaroon niya ng "kidney stones" nang maospital din noon.

Muli naman siyang isinugod sa ospital Hunyo noong nakaraang taon matapos "sumakit ang tiyan," dahilan para lumiban siya sa June 22 airing ng kanilang palatuntunan.

Inoperahan naman siya sa lalamunan taong 2015.

vuukle comment

ILLNESS

IT'S SHOWTIME

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with