^

PSN Showbiz

Lovi buhay mayaman sa pamamasyal sa Italy kasama ang bf

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi buhay mayaman sa pamamasyal  sa Italy kasama ang bf
Lovi Poe

Naka-private ang mga social media account ng sinasabing boyfriend ni Lovi Poe na si Montgomery Blencowe. Kaya walang makuha sa kanyang info ang mahihilig sa tsika.

Ang gaganda kasi ng mga pinupuntahan ni Lovi base sa kanyang mga post sa kanyang social media account.

Nag-iikot siya sa Italy at naka-check in pa sa mga luxury hotel in Capri, Italy na obviously ay ang boyfriend niyang film producer ang kasama.

Bago rumampa sa Italy, magkasama silang dumalo sa Royal Ascot event sa London.

Para ngang wala na talaga sa vocabulary ni Lovi ang trabaho sa Pilipinas kitang-kita sa kanya ang happiness sa pagta-travel.

Dawn wala sa hitsurang nagpagalaw ng mukha

Iba talaga pag walang pinagagalaw sa mukha, hindi tumatanda.

Ganyan ang kapalaran ni Dawn Zulueta na hindi mahilig magpaayos / magparetoke. Kahit yata botox, wala.

Mukhang orig / autentic pa lahat ng bahagi ng mukha niya kaya naman gandang-ganda sa kanya ang mga nag-attend ng presscon ng pelikula niyang Family History na written, produced and directed by Kapuso comedy genius Michael V.

Habang ang mga ka-contemporary niyang actress na mga nagpagalaw ng face, hindi mga natural ang hitsura. At mas mabilis tumanda kesa sa kanya.

Anyway, si Dawn ang leading lady ni Michael V. sa Family History na pahulaan ang takbo ng story base sa trailer na napapanood.

Pero isa umano itong heart-warming movie tungkol sa values of life, marriage, and love that will always lead you home.

“Napaka-flattering at napaka-humbling na experience makatrabaho ang isang Dawn Zulueta. Siya talaga ang gusto naming kunin sa simula pa lang. Masaya at magaan din siyang kasama,” ayon kay Michael V.

Aminado naman si Dawn na matagal na rin niyang gustong makatrabaho ang komedyante dahil sa mga napapanood nitong mga character niya sa TV kung saan tuwang-tuwa ang actress.

Kasama rin nga pala sa cast members ng movie sina John Estrada, Paolo Contis, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo, Mikoy Morales, Nikki Co, Jemwell Ventenilla and Vince Gamad.

Primetime King Dingdong Dantes and multi-awar­ded comedienne and TV host Eugene Domingo play special cameo roles as Dr. Ronaldo Cruz and Liza De Guzman, respectively.

Mapapanood ang Family History sa mga sinehan starting July 14.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with