^

PSN Showbiz

Andi kinarir ang pagbi-Bisaya

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Andi kinarir ang pagbi-Bisaya
Andi Eigenmann

Masaya si Jaclyn Jose sa nakita niyang pagbabago mula sa anak na si Andi Eigenmann dahil na rin sa tulong at impluwensiya ng ama ng anak nito na si Philmar Alipayo. Dati-rati raw ay sa kanya nito iniaasa ang lahat, pero ngayon ay marunong na itong magpatakbo ng sarili niyang buhay. Marunong na rin daw itong mag-budget ng tama.

Masaya rin ang beteranang aktres sa nakikitang pag-aalaga ni Philmar sa kanyang anak na reciprocated naman ni Andi. Katunayan hindi na mahirap ang komunikasyon sa pagitan nila ng champion surfer na hindi maalam sa Tagalog, dahil si Andi mismo ang nag-aral mag-Bisaya para magsilbing translator at interpreter between her mom and her partner.

Nadine minamani ang pag-indak

Bumabagay naman kay Nadine Lustre ang bawat nakakapareha niya, kaya marahil ay may nakaisip na pagtambalin sila ni Aga Muhlach.

Naging matagumpay ang kanyang pagsosolo nang kumita ang kanyang pelikulang Ulan kasama sina Marco Gumabao at Carlo Aquino. Sa unang pagkakataon ay hindi niya kasama ang katambal at boyfriend na si James Reid at tinangkilik naman ito kahit paano.

Ngayon ay kay Sam Concepcion naman siya susubukang itambal sa Isang pelikulang tungkol sa pagsasayaw, ang Indak na mula sa direksyon ni Paul Basinillo.

Sa nasabing pelikula ay mapapamalas ni Nadine ang kanyang talento sa pagsasayaw. Bago kasi siya nag-artista ay kumakanta na siya, katunayan ay may grupo siya dati, ang Pop Girls.

Nagpamalas din siya ng ka­ga­lingan sa pag-arte nang manalo siya sa Young Critics Circle, Famas at Gawad Urian bilang Best Actress para sa huling pelikula nilang magkasama ni James na Never Not Love You.

Bukod sa lahat ng nabanggit, naidirek na rin niya si James sa isang music video na nanalo sa MYX Music Awards. Lahat ay naniniwala na mamaniin lamang niya ang gagawin niyang pagpapakita ng kanyang husay sa pagsasayaw with Sam Concepcion.

 Mylene at Kit grabe ang mga eksena!

Mukhang may malaking potensyal sa takilya ang unang pelikula na ididirek ni Atty. Joji Villanueva Alonzo, isang producer ng maraming indie films.

Ito ang Belle Douleur (Beautiful Pain), isang May-December love drama na magtatampok kina Mylene Dizon at Kit Thompson.

Tungkol ito sa isang babaeng 40 na ang edad. Matapos mamatay ang ina na matagal niyang ina­lagaan, nagpasya siya na mamuhay nang mag-isa hanggang sa kanyang huling hininga. Sa hindi inaasahan, nakilala niya si Jon na malaki ang agwat ng edad sa kanya. Tinuruan siya nitong magmahal at ito rin ang nagbigay ng ligaya sa kanyang buhay hanggang sa ma-realize niya na may mga pangarap ito na hindi siya maaaring makasama.

Maraming mga maiinit na eksena na ginawa sa movie nina Mylene at Kit. Kung inaakala niyong very hot na yung eksena ni Kit with Kim Molina in Momol Nights, hintayin niyong mamalas yung salpukan nila ni Mylene sa Belle Douleur na isang entry sa Cinemalaya 2019 na magaganap sa August 2-13 sa CCP at ilang piling sinehan sa Kamaynilaan.

Sa ngayon ay maituturing si Kit na actor of the hour sa rami ng mga proyekto na ginagawa niya, hindi lamang sa pelikula kung hindi ma­ging sa TV.

Una siyang napansin nang lumabas siya sa Maalaala Mo Kaya na sinundan ng seryeng Sino ang Maysala? Mea Culpa.

Marami siyang maiinit na eksena with Ivana Alawi at may bonus pang butt exposure, meron din siya nito sa Momol Nights, isang serye ng iWant.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with