^

PSN Showbiz

Female personality pinagsisihan ang mga ginastos sa ex na manggagamit

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Huli na ang pagsisisi. Palagi namang ganu’n, huli na kapag naisip natin na sana’y ganito at ganyan, naging mas maganda sana ang resulta kung ‘yun ang ating ginawa.

Ganu’ng-ganu’n ang nangyayari ngayon sa isang female perso­nality na kung magmahal ay mas masahol pa kuno sa beki. Bigay na bigay siya kung magmahal, sobrang spoiled ang kanyang karelasyon, kesehodang wala na siyang maipundar na kahit ano para sa kanyang sarili.

Kuwento ng isang source na kilalang-kilala kung paano magmahal ang female personality, “Para siyang alipin kung magmahal. Lahat-lahat, e, gagawin niya para lang mapasaya ang karelasyon niya.

“Pinapayuhan na nga siya ng mga friends niya na huwag siyang bigay-todo dahil hindi pa naman siya siguradong sila na forever, pero bingi siya, wala siyang pinakikinggan!

“Inaaway pa nga niya nu’n ang isang kaibigan niya, masyado raw pakiala­mera, bakti daw hindi na lang pakikipag­relasyon niya ang atupagin ng friend niya?

“Anyare? Nu’ng mag-break sila ng boyfriend niyang user at ipinaglihi sa manggang hinog sa pagiging manggagamit, e, du’n din naman siya sa kaibigan niyang ‘yun nagsumbong at nag-iiyak!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay marunong na sa buhay ang female personaltiy, sarili na muna niyang mga pangangailangan ang kanyang inuuna, pinagsisisihan niya ang mga panahong naging bulagsak siya.

Sabi uli ng aming source, “Lalo na ngayong nagkakaedad na siya, saka wala na siyang masyadong trabaho ngayon, kapag naaalala niya kung paano siya gumastos nu’n para lang pasayahin ang karelasyon niya, e, sising-alipin siya!

“Ramdam na kasi niya ang pangangailangan ngayon, marami siyang pinagkakagastusan, siya pa rin ang inaasahan ng family nila. Kung inipon lang daw niyang lahat ang mga ipinambili niya ng kapritso ng mga naging karelasyon niya, e, mayamang-mayaman na siguro siya ngayon!

“True! Wala nga naman siyang mina ng ginto para maghukay siya ng kayamanan ngayong siya na ang may matinding pangangailangan. Ang pagsisisi nga naman, palaging nasa bandang huli!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Buti may pag-ibig Vice lupaypay sa pagdudumi at pagsusuka!

Ilang araw nang maysakit si Vice Ganda. Matindi ang kanyang pagdudumi at pagsusuka. Dikta ng kanyang isip ay gusto niyang magtrabaho pero kumokontra naman ang lupaypay niyang katawan.

Ang LBM ay may kakambal na matinding stress. Sakit din ‘yun ng mga prodyuser kapag malapit nang ipalabas ang kanilang pelikula. Para silang pusang hindi maihi dahil sa sobrang tensiyon.

At matensiyon ang trabaho ng sikat na komed­yante-TV host. Hindi simple ang pagho-host araw-araw, ang pangingibang bansa para sa kanyang mga concert, ang taping at shooting at iba pang mga aktibidad.

Hindi na bumabata si Vice Ganda, malapit na siya sa pagkakasakit, kaya kailangan na rin niyang rendahan ang kanyang sarili sa sobrang pagtatrabaho.

Iisa lang ang ating katawan, kahit pa bilyonaryo na ngayon si Vice Ganda ay wala siyang mabibiling panibagong buhay, kaya ibayong pag-iingat ang kailangan niyang gawin.

Kung si Kris Aquino nga na kayang-kayang magpatayo ng sarili niyang ospital ay problemado ngayon sa kanyang kalusugan. No health nga naman ay no wealth.

Ramdam na ramdam ang kawalan ni Vice Ganda sa It’s Showtime. Mahuhusay namang tumimon at maaasahan ang mga kasamahan niyang hosts, pero ibang-iba pa rin ang sigla ng noontime show kapag nandu’n siya, buhay na buhay ang ating pananghalian.

Mabuti na lang ay may inspirasyon siya ngayon, nand’yan si Ion Perez na pinagdududahan man ng marami ang hangad sa pakikipagrelasyon sa kanya ay palaging nand’yan lang para alagaan siya, mas masaklap kung maysakit na si Vice Ganda ay lugmok pa ang kanyang puso.

May nagagawa ang pag-ibig na hindi naibibigay ng gamot. Kaya nga nauso ang kisspirin at yakapsul. Sa kabila ng kanyang panglalata ay nandu’n si Ion Perez na nagsisilbing bitamina niya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with