^

PSN Showbiz

Winwyn stalker na stalker ng K-actor sa Korea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Winwyn stalker na stalker ng K-actor sa Korea
Winwyn Marquez

Marami pa rin ang kumukumbinse kay Winwyn Marquez na sumali sa 2020 Bb. Pilipinas dahil siya ang bet nila sa Miss Universe 2020. Hindi rin naman isinasara ng aktres na baka sumali siya uli, pero sa ngayon, magpapaka-aktres at TV host muna siya at idagdag natin na magpapa-fan muna siya ng BTS.

Kaya, tinanggap ni Winwyn ang role na kontrabida sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Dahil sa Pag-ibig. Kahit kontrabida ang role niya, walang isyu at okay lang may magalit sa kanya.

Honest question lang, okay bang sumali sa beauty pageant ang may tattoo? Nagpa-tattoo kasi si Winwyn habang nasa Korea at ang tattoo niya ang galing sa quote ni Oscar Wilde. Nasa wrist ito kaya hindi naman siguro halata.

Sa latest photo pala na in-update ni Winwyn, nasa Korea pa rin siya at wish siguro nitong makasalubong ang BTS.

Enchong ‘di nakilala ng mga kaklase

Nakakatuwa ang tweet ni Enchong Dee na hindi siya nakilala ng classmate niya sa MBA class kung saan siya nag-enroll. Ang sabi ni Enchong, sa first day class, may lumapit sa kanyang classmate niya at sinabing kamukha at kapangalan niya ang artistang si Enchong.

Hindi nabanggit ni Enchong kung saang school siya nag-enroll ng MBA, ang importante, patuloy niyang ini-improve ang kanyang sarili. Umalis man sa showbis si Enchong, may iba siyang pupuntahan.

Natutuwa rin ang netizens kay Enchong dahil active sa mga isyu sa gobyerno at kahit naba-bash, tuloy siya sa pagpapahayag ng gusto niya at kung ano ang nasa isip niyang tama.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with