^

PSN Showbiz

LT aminadong may edad na para sa action movie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Pilipino Star Ngayon
LT aminadong may edad  na para sa action movie
Lorna Tolentino

Daboy balik-Kapamilya

Malapit na muling mapanood ang mga pelikula ni Rudy Fernandez sa ABS-CBN. Kamakailan ay nakipag-usap na ang asawa ng namayapang aktor na si Lorna Tolentino sa pamunuan ng Kapamilya network para ayusin ang bagong proyekto. “Nag-meeting kami ng ABS (CBN) para sa mga pelikula ni Daboy. Nagbabalik si Daboy sa ABS-CBN. Nag-start na, nag-meeting na kami. Sure na po, meron na kaming mga na-scan na for HD (high definition), ‘yung restoration, eventually siguro. Medyo may kamahalan ang pagre-restore kasi talaga,” pagbabahagi ni Lorna.

Apat na buwan nang napapanood tuwing gabi ang aktres bilang si Lily sa FPJ’s Ang Pro­binsyano. Aminado si LT na hindi rin niya alam kung hanggang kailan mananatili sa programa ang kanyang karakter. “Tinatanong ako, hindi ko rin alam. Dumarating ang script namin sa set na mismo. Maski ako nabubulaga ako, ‘Huh? Gano’n pala.’ Minsan nga nasa labas ako tinatanong ako, ‘Magiging kayo po ba ni Mr. President?’ Hindi ko rin alam eh. Hindi nila alam kung makakabuti ba ako or makakasama ba ako, hindi malaman at hindi ko rin alam,” nakangiting kwento ng aktres.

Samantala, napapabalita rin na posibleng gumawa si Lorna ng isang pelikulang aksyon ang tema. “Nagugulat nga ako kasi nitong huli nag-action ako with John Arcilla. Depende kasi, hindi na ako gano’n kabata para mag-action. Kumbaga may limit, ‘yung makakaya ko lang,” pagtatapos niya.

Ritz, ayaw tawaging bf ang inspiration

Isang non-showbiz guy ang nagsisilbing inspirasyon ngayon kay Ritz Azul. Ayon sa aktres ay talagang matalik silang magkaibigan ng binata. “I’m happy. Well, ang masasabi ko lang, I have someone I can lean on. Para kasing sobrang best friend ko siya,”  bungad ni Ritz.

Sa ngayon ay hindi pa opisyal na magkasintahan ang dalawa dahil sinusunod lamang ng dalaga ang payo ng mga magulang. “Ang hirap ka­sing i-explain eh. Kasi naitanong ko na rin ito sa mga magulang ko. Kasi ‘yung mga magulang ko, lalo na ‘yung papa ko, ayaw nilang tawa­ging boyfriend kasi para sa kanya ‘pag tinawag mong boyfriend, may next boyfriend pa. Eh ayaw niya ‘yung papalit-palit. So hanggang doon na lang muna siguro. Best of best of best friend,” giit ng aktres.

Samantala, hindi raw inakala ni Ritz na papatok sa mga manonood ang bago nilang tambalan ni Joseph Marco sa teleseryeng Los Bastardos. Nagulat ang aktres dahil sa pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang mga eksena sa nasabing serye. Nabuo ang tambalang LoDi nina Marco at Ritz na gumaganap bilang sina Lorenzo at Diane. “‘Yung unang eksena namin na lumabas sa ‘Los Bastardos,’ wala kaming usap-usap doon. First time naming mag-eksena, gano’n lang. Kaya nagulat kami may mga kumagat sa scenes,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with