^

PSN Showbiz

Alden-Kathryn movie hindi babaguhin ang playdate

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden-Kathryn movie hindi babaguhin ang playdate
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Pelikulang Pasok sa PPP may leakage?

Sa July 11 pa ang announcement ng lima pang pelikulang pasok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September.

Pero masama ang loob ng Selection Committee ng PPP dahil sa may lumabas na leakage ng mga finished film na napili nilang makakapasok at kukumpleto sa walong entries.

Isa si direk Joey Reyes sa nag-react nung nakaraang Linggo sa kanyang Facebook account ng status na; “Now 2 of the finished films selected for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 are in hot water for BREACH OF CONFIDENTIALITY.”

Naglabas na rin sila ng statement mula sa Selection Committee na sa ngayon ay ang pelikulang Cuddle Weather ng Regal, Last Song Syndrome ng Globe Studios, at Panti Sisters ng Idea First Company ang opisyal na pasok sa walong entries. “The others to be included in the September festival will be OFFICIALLY announced on 11 July 2019. The Selection Committee has yet to confirm with other stakeholders in the festival regarding the titles of the other films to be listed in the celebration,” sabi pa sa statement na ipinost.

Iyun din ang pahayag ng FDCP Chairperson Liza Diño nang kapanayamin namin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Linggo.“Nagulat kami na mga list na umiikot, nakakalungkot lang di ba? We’re still the middle of shortlisting films, so meaning we’re still deciding on the final line-up.

“So, nandun kami…kaya nga nakakalungkot na parang may mga finalist na lumalabas. Kasi, even when we were talking to the filmmakers and the producers, clear sa kanila na we’re in the process of shortlisting films. And we held them na parang I hope that you understand na meron tayong confidentiality agreement muna hangga’t hindi natin napa-finalize lahat kasi sa amin naman manggagaling yung final at malalaman at malalaman naman nila iyun. At ilang araw na lang naman.

“After ng Tuesday meeting malalaman na nila yun na sila na yung finalists.”

Ngayong araw daw ang meeting nila sa mga theater owners, at doon na raw nila i-finalize ang pasok sa walong entries.

Hindi lang daw matiyak ni Liza kung sino ang mga taong nag-leak ng listahan kaya pag-uusapan pa raw nila iyun. Hindi pa niya masasabi kung apektado ba itong mga pelikulang damay sa mga nag-leak ng final list. “Hindi naman namin ma-verify kung sino,” pakli ni Liza.

“I was talking to my selection committee kasi sila mismo ang nakakita ng mga may list, may post. Sila mismo ang nalulungkot pero siyempre, we’re all discussing eh.

“Of course we don’t want for the film to suffer na kung sino man yung na-shortlist na film. Pero yung ano namin…hindi mo puwedeng i-tolerate na hindi mo nirerespeto yung pinag-uusapan di ba? Klarong-klaro pina-oo namin sila, bawat isa sa kanila,” sabi pa ni Liza Diño.

Natanong na rin namin pala kay Liza ang tungkol sa napagdesisyunan na gagawin nang Friday ang opening day ng mga pelikulang isu-showing.

Sa July 10 na raw ito sisimulan pero bago pa ini­labas ang Memorandum Circular na inilabas nila, nagpadala na pala ng sulat ang ABS-CBN 2 na hindi na raw nila babaguhin ang showing ng Hello, Love, Goodbye na matagal nang naka-book ng July 31, Wednesday. “Bago pa lumabas ang circular na ito, naka-receive kami ng letter from ABS-CBN telling us they will really open on July 31, at naka-fix na talaga to. Lahat nakaayos na,” pakli ni Liza.

Pauleen nagdelikado sa Severe Pneumonia

Kahapon lang nakabalik si Pauleen Luna sa Eat Bulaga pagkatapos niyang ma-hospitalize ng ilang linggo.

Nag-alala rin kami nung nasa hospital siya dahil matagal siyang na-confine at sobrang worried na nga ang mommy niya.

Nagka-Severe Pneumonia pala siya kaya pabalik-balik ang lagnat niya na napakataas.

May mga araw ngang wala rin sa Eat Bulaga si Bossing Vic Sotto dahil sa nagbantay din siya sa hospital. “Iba na kasi talaga na mga sakit ngayon kuya. Nagtatagal talaga siya,” bulalas sa akin ni Pauleen.

Dati raw kasi ay simpleng gamot lang sa lagnat at ubo, gumagaling. Ngayon ay iba na raw na ang tagal bago ka gumaling.

Pero natakot din daw siya nung mga araw na iyun dahil delikado naman talaga ang Pneumonia. Kaya hindi kaagad siya lumabas ng hospital dahil tiniyak niyang magaling na siya talaga.

Ilang linggo rin daw siya sa hospital at sobrang nagdusa dahil hindi niya nakikita ang anak niyang si Talitha. Hindi naman kasi puwede sa hospital ang bagets, kaya pagkalabas niya ng hospital nung nakaraang linggo, hindi pa muna siya bumalik ng Eat Bulaga dahil gusto niyang makabawi ng bonding sa anak nila.

Tama lang daw na July na siya bumalik na kung saan sinisimulan na nila ang pagdiriwang ng kanilang anniversary.

Kahapon ay na-feature nila ang Little Miss Philippines na kung saan sina Ice Seguerra at Ryza Mae Dizon ang opening number.

Humirit pa si Ice ng statement na sana paglaki raw niya ay puwede na siyang sumali sa Mr. Pogi.

Doon na rin in-announce ni Bossing Vic na magkakaroon uli ng Little Miss Philippines at simula ngayong araw na ang audition.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with