^

PSN Showbiz

Aktor na ginagawang Quiapo ang ibang bansa, marunong mamingwit ng balyena!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka at nagtatanong kung paano kinakayang magbakas­yon sa iba-ibang bansa ang isang kilalang male persona­lity na wala namang ginagawang mga proyekto.

Namamangha ang mga nakakakita sa mga retrato niyang naka-post sa kanyang mga social media accounts, parang ginagawa lang niyang Quiapo ang mga bansang pinupuntahan niya, saan daw kaya nanggagaling ang perang ipinangkakapritso ng tisoy na male personality.

Dating karelasyon ng isang gay businessman ang male personality na ito, pinag-aral siya ng kanyang gay benefactor, ipinagpundar ng bahay at ibinili ng sasakyan.

Tumagal nang maraming taon ang kanilang relasyon, hanggang sa isang araw, nalaman na lang ng male personality na may isang hunk actor na palang pinagkakaabalahan ang gay businessman.

Nagsinungaling ang gay businessman, pero maraming hawak na ebidensiya ang male persona­lity, masakit na masakit man sa kanyang kalooban ay kinailangan na niyang makipagkalas sa negosyanteng beki.

Magmula nu’n ay nagpalipat-lipat na ng karelasyon ang male personality. Walang babaeng napapabalitang karelasyon niya, puro beki, mga gay businessmen na nakakasama niyang magliwaliw sa buong mundo.

Kuwento ng isang source na nakakakilala sa male personality, “Magugustuhan talaga siya ng mga beki dahil mabait siya. Saka malinis siya sa katawan, makinis na makinis na siya, e, maingat pa ang guy sa kanyang hygiene.

“Walang puwedeng mamintas sa physical package niya, mula mulo hanggang paa talaga, malinis siya,” sabi ng aming impormante.

Pinagpipistahan din ng mga beki hindi lang ang kalinisan niya sa katawan kundi maging ang kanyang sandata na sa lengguwahe ng mga bading ay isa, dalawa, may sasampalin ka pa.

Kuwento uli ng source, “’Yun ang dahilan kung bakit marami siyang nabi­bingwit na gay. Bukod sa guwapo at makinis na siya, e, naghuhumindig pa ang kanyang armas!

“Saka talagang matataypan siya ng mga beki dahil marespeto siya, mabait, hindi siya ‘yung tipong sa umpisa pa lang, e, sasamantalahin na ang kabutihan sa kanya ng gay.

“Puwedeng after a few months na lang, pero hindi ‘yung sa simula pa lang, e, hihirit na siya ng mga kapritso niya. Marunong siyang tumayming!

“Lahat na yata ng bansa, e, napuntahan na niya! Talagang jetsetter ang guy, pero maingat siya, ha? Mag-isa lang siya sa pictures na inilalabas niya, wala siyang kasama, dahil ‘yung partner niya ang kumukuha ng mga retrato niya!

“Marunong siyang pumili ng kakarelasyunin, kung isa siyang mangingisda, hindi siya nanghuhuli ng maliit na isda, mga balyena ang pinipili niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

 Ubos!

James tapos na ang pagiging aburido sa buhay

Sa mga pictures na ipino-post nina James Yap at Michela Cazzola na karga-karga ang dalawang resibo ng kanilang pagmamahalan ay madaling sabihin na napakaligaya ng magkarelasyon.

Tahimik ang kanilang pagsasama, walang kahit anong kuwento ng alingasngas ang kanilang relas­yon, nagiging kontrobersiyal lang naman ang buhay ng magaling na basketbolista kapag napagtitripan siyang i-bully ni Kris Aquino.

Pero sa tagal na ng panahon at paulit-ulit na pambubulabog sa kanya ng mommy ni Bimby ay natuto na si James Yap. Nagtete­ngang-kawali na lang siya sa mga pinagsasasabi ni Kris. Parang nagsasalita na lang sa bingi ang actress-TV host.

At naging maganda ang resulta ng kanyang ginawa, ilang buwan pa lang ang nakararaan ay nagpahayag si Kris na hindi na nito gagambalain pa ang basketbolista, napatawad na raw nito ang ama ng kanyang bunso.

Ganu’n lang naman dapat ang gawin kapag nasa mood ng pambu-bully si Kris, ang huwag na lang itong pansinin, isang araw ay maiisip din nitong tumigil dahil walang pumapatol sa kanya.

Maraming kapwa manlalaro ni James Yap ang maligaya sa maayos niyang buhay na personal ngayon. Maraming nagmamahal kay James Yap, napanatili kasi niya ang pagiging mapagkumbaba, kahit pa itinuturing na siyang sikat na basketbolista na may mga pinagpalang kamay sa pagsu-shoot ng bola.

Sabi ng isang basketball player na malapit kay James, “Okey na okey na siya ngayon, hindi na siya aburido sa buhay, nakakaapekto kasi ang ganu’n sa performance ng player.”

vuukle comment

JAMES YAP

MICHELA CAZZOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with