^

PSN Showbiz

Nadine, Janine at Iza sumali sa Pride March!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Nadine, Janine at Iza  sumali sa Pride March!

SEEN: Tawang-tawa si Derek Ramsay sa imperso­nation ni Barbie Forteza kay Kris Aquino sa promo guesting niya kahapon sa Sunday PinaSaya. Kasama ni Derek si Andrea Torres, ang leading lady niya sa The Better Woman,  na mapapanood simula ngayong gabi pagkatapos ng Sahaya.

SCENE: With the special participation ang billing ng pangalan ni Eddie Garcia sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, ang comedy movie ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa September 2019. Ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ang last comedy movie ni Eddie na sumakabilang-buhay noong June 20, 2019.

SEEN: Ang oathtaking kahapon nina Richard Gomez at Lucy Torres sa Ormoc City Superdome bilang re-elected mayor ng Ormoc City at house representative ng 4th District ng Leyte, respectively.

SCENE: Nanumpa kahapon si Isko Moreno sa Manila City Hall bilang bagong alkalde ng Maynila. Si Isko ang pangalawang aktor na nahalal at 27th mayor ng makasaysayan na lungsod ng Maynila.

SEEN: Kasama ni Alfred Vargas ang kanyang asawa na si Yasmine at ang tatlong anak nila sa oathtaking niya kahapon sa ABS-CBN Tent sa Vertis North bilang re-elected house representative ng 5th District ng Quezon City.

SCENE: Kasama ni Vico Sotto ang kanyang mga popular parent na sina Vic Sotto at Coney Reyes sa inauguration niya kahapon sa Pasig City Sports Center. Si Vico ang 17th mayor ng Pasig City sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.

SEEN: Makalipas ang anim na buwan, muling bumalik sa Thailand si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil siya ang nagkorona kay Paweensuda Drouin, ang winner ng Miss Universe Thailand 2019 title sa coronation na ginanap noong Sabado, June 29, 2019. Hindi malilimutan ni Catriona na nanalo siya na Miss Universe sa Bangkok, Thailand noong December 16, 2018.

SCENE: Sina Nadine Lustre, Janine Gutierrez at Iza Calzado ang mga showbiz personality na sumali sa Metro Manila Pride March sa Marikina City noong Sabado, June 29, 2019. Puring-puri ng LGBT community ang mga nabanggit na aktres dahil sa pakikiisa nila sa Metro Manila Pride March sa kabila ng masungit na panahon.

End to discrimination at gender equality ang panawagan ng lahat ng mga dumalo sa Metro Manila Pride March.

vuukle comment

ARBIE FORTEZA

DEREK RAMSAY

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with