^

PSN Showbiz

Matteo nakasama ang bff sa kampo

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Miyembro na ng pamilya ang turing ni Matteo Guidicelli sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo kaya kasama ito sa kanyang mga pinasalamatan nang matapos ang Scout Ranger training niya sa Camp Tecson, San Miguel Bulacan: Kasama ni Matteo sa Scout Ranger training ang kanyang bestfriend at kapwa aktor na si Ivan Carapiet. Parehong half Filipino at half Italian sina Matteo at Ivan.

SCENE: Creative consultant ng Miss Universe Singapore ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud. Malaking karangalan para kay Jonas na kasama siya sa paghahanap ng magiging official candidate ng Singapore sa 68th Miss Universe na magaganap sa December 2019.

SEEN: Ang grand vacation sa Las Vegas ni Jackie Forster, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Sinamantala ni Jackie ang pagkakataon habang bakasyon sa school ang mga anak niya.

SCENE: Excited na ang mga residente ng Pasig City sa pag-uumpisa bukas, July 1, ng paninilbihan ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City. Inaasahan ng fans ng Eat Bulaga sa Pasig City na idaraos na ang Sugod Bahay segment ng noontime program ng GMA 7.

SEEN: Ngayong tanghali ang inauguration ceremony sa ABS-CBN Tent sa Vertis North ng mga bagong halal na opisyal ng Quezon City na pangungunahan ni Mayor-elect Joy Belmonte at Vice Mayor-elect Gian Sotto. Makakasama nina Belmonte at Sotto ang mga newly-elected house representative at city councilors ng Quezon City.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with