Pops satisfied sa Feelennial!
SEEN: To date, ang The Better Woman ang most challenging role ni Andrea Torres dahil dalawa ang role na ginagampanan niya, ang kambal na si Jasmine at Julieta. Bidang-bida si Andrea sa bagong prime time drama series ng GMA-7. Si Derek Ramsay ang nag-iisang leading man ni Andrea sa The Better Woman. SCENE: Hiwalay na ang popular actress sa kanyang boyfriend na walang kinalaman sa entertainment industry. Na-realize ng aktres na wala siyang future sa boyfriend na nakarelasyon niya sa loob ng kalahating dekada.
SEEN: Jinx ang nagiging image ng isang young actress dahil kung hindi tinatanggal sa show hindi natutulog ang mga television assignment niya. Bukod sa jinx, may image na mahirap makatrabaho ang young actress na wala pang napapatunayan.
SCENE: Bukas ang cast pictorial ng In The Name of the Mother, ang pelikula ng Heaven’s Best Entertainment na isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa September 2019. Lead stars ng In The Name of the Mother sina Snooky Serna, Diana Zubiri at Gardo Verzosa. Si Joel Lamangan ang direktor ng In the Name of the Mother.
SEEN: Malapit nang matapos ang isang afternoon drama series ng isang major television network pero hindi pa rin natututo na umarte ang bidang aktor na annoying at trying hard ang pag-arte.
SCENE: Satisfied si Pops Fernandez sa box office result ng Feelennial, ang unang movie project niya bilang movie producer kaya may posibilidad na gumawa uli ng pelikula ang kanyang film outfit, ang DSL Productions.
- Latest