^

PSN Showbiz

Female personality na sabik sa mga papuri, namana na pati ang kayabangan ng ate-atehang sikat din!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May nahanap na palang junior ng isang female personality ang magkakaumpukang miron isang gabi. Siya na nga ang junior ng isang babaeng personalidad na ipinagbubuyangyangan ang kung anumang meron ito sa buhay.

Siya ang napiling junior ng magkakatropa dahil tulad ng female personality na very flaunty ay ganu’n din ang female personality na ngayon lang kasi nginitian ng kapalaran kaya sabik na sabik pa sa mga kagamitan niya.

Kuwento ng isang miron, “Siya na nga! Siya na nga at wala nang iba pa! Siya na nga ang junior ng ate-atehan niya! Kuhang-kuha na niya ang style ng female personality!

“Hindi na rin siya nakapaghihintay na purihin siya ng ibang tao, lalo na ang kanyang mga branded stuff at mga alahas, siya na ang nagkukusang magkuwento kung magkano niya pinagbibili ‘yun!

“Kulang na nga lang na magsalita siyang mag-isa at kausapin ang sarili niya sa pagyayabang! Talagang siya mismo ang nagbo-volunteer na magkuwento kung saan niya nabili at kung magkano ang inilabas niyang datung para lang mabili ang mga branded stuff niya!

“At tulad ng kanyang ate-atehan ay may linya rin siyang, ‘Hindi lang isa ‘yan, bumili ako ng iba-ibang kulay!’ Di ba, ganu’n ang pinagmanahan niyang ate?” unang kuwento ng aming impormante.

Sa set ng kanilang programa ay namana na rin ng junior ng aktres ang pagdadala nang sangkatutak na sapatos at damit, may mga dala-dala na rin siyang kitchenwares, para na rin siyang maglilipat-bahay.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Palibhasa, e, ngayon pa lang siya nakakatikim ng kaginhawahan sa buhay, kaya siya ganyan. Puro hirap kasi ang inabot niya nu’n, nagkakautang-utang siya para lang mapag-aral at buhayin ang mga anak niya, kaya siguro bumabawi siya ngayon!

“Bakit nga naman, e, kumikita naman siya ng sarili niyang pera? Bakit naman hindi niya ipa-pamper ang sarili niya? Maganda na rin naman ang buhay ng family niya, kaya puwede na siyang mag-splurge ngayon para sa sarili niya, di ba?

“Kaya lang, e, huwag naman sana siyang very flaunty. Huwag niyang isinusuot nang sabay-sabay ang mga alahas niya! Nagmumukha kasing palengke ang mga daliri niya dahil may diamonds, may pearl, may blue sapphire, halu-halo ang suot niya!

“Saka huwag na niyang dinadala lahat ng mga branded shoes niya sa studio, ilang taping lang naman ang ginagawa niya, huwag na niyang gayahin ang ate-atehan niya na kulang na lang na buhatin ang house niya sa dami ng mga bitbit niya sa studio!

“Ang gayahin niya, e, ang itsura ngayon ng ate-atehan niya na payat na payat na! ‘Yun ang kailangan niyang plakaduhin, para naman lumiit ang katawan niya na nagmumura sa laki!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris nalagasan ng raket, napunta kay Lea

Ilang buwan na ang nakararaan ay may nag-text sa amin, ang sabi, “Tinanggal nang endorser ng Ariel si Kris Aquino. Kumuha na sila ng kapalit. Abangan mo na lang.”

At nu’ng isang gabi ay napanood na nga namin ang TVC. Si Lea Salonga na ang bagong endorser ng sabong panlaba. Magandang choice dahil tulad ni Kris ay sikat na sikat din ang bago nilang endorser lalo na sa larangan ng entablado.

Aba naman, si Lea Salonga ‘yun, ang nagsulat ng pangalan ng ating bansa sa mapa ng mundo dahil sa napakahaba niyang pagganap bilang ang bidang si Kim ng Miss Saigon sa Inglatera.

Si Lea Salonga ‘yun na maituturing nang national treasure, world-class ang kasikatan, napakagaling at tunay na mahal ang kanyang propesyon.

Hindi sinabi ng aming source kung bakit pinalitan nang endorser si Kris Aquino. Puwedeng tapos na ang kanyang kontrata at hindi na ‘yun ni-renew ng ahensiya.

Puwede ring dahil sa ipinagbabanduhang sakit ni Kris Aquino ay naisip ng agency na magi­ging malaking abala ‘yun sa kanilang TVC shoot, paalis-alis ng bansa ang aktres-TV host para sa pagpapagamot, mahirap nga namang maghabol sa schedule ng endorser ng produkto.

Marami pang ibang TVC si Kris Aquino na hindi na napapanood ngayon, ang sariling food chain na lang nito ang visible ngayon, ilang sangay nu’n ang kinuha nitong franchise.

Puwede rin namang si Kris na mismo ang tumanggi sa paggawa ng TVC dahil sa kanyang sakit na sinabi mismo ng aktres-TV host na parang wala nang paggaling.

vuukle comment

KRIS AQUINO

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with