^

PSN Showbiz

Dalawang helicopter ni Willie worth P100-M

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagpapasalamat si Heart Evangelista sa GMA7 dahil nauunawaan ng kanyang mother studio ang hectic sche­dule niya. Pabalik-balik si Heart sa China dahil sa action movie na kanyang ginagawa pero tinitiyak ng network management na walang conflict sa tapings niya para sa Season 7 ng Starstruck. Isa si Heart sa tatlong council members ng Starstruck.

SCENE: Nadagdagan ang mga responsibilidad ni Heart Evangelista nang mahalal na gobernador ng Sorsogon ang kanyang asawa, si former Senator Chiz
Escudero. Gusto ni Heart na madalas na makahalubilo ang constituents ng asawa niya kaya mapapadalas ang kanyang pagbisita sa Sorsogon.Ipinakilala kahapon si Heart bilang celebrity endorser ng Thiocell, ang first and only premium oral glutathione supplement in lozenge form. 

SEEN: Almost Php 100 million ang halaga ng dalawang helicopter na pag-aari ni Willie Revillame. Nag-aral si Willie na magpalipad para magamit niya nang personal ang kanyang mga helicopter.

SCENCE: Si Donnalyn Bartolome ang composer at singer ng ‘Di Lahat, ang bagong single niya sa Viva Records.  Panganay si Donnalyn sa limang magkakapatid. Siya ang tumatayo na ina ng kanyang mga kapatid dahil nakadestino sa Bahrain ang kanilang ama na isang US Navy at Japan-based naman ang nanay nila. Apat na taon ang bunsong kapatid ni Donnalyn na madalas na napagkakamalan na anak niya.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with