^

PSN Showbiz

Jodi matindi ang ginawa nang saniban ng ‘Demonyo’; AiAi mas magaling sa feel good

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jodi matindi ang ginawa nang saniban ng �Demonyo�; AiAi mas magaling sa feel good
Jodi

MANILA, Philippines — Parehong maganda ang dalawang Tagalog films  na napanood ko. Ang Clarita na showing na simula ngayong araw, starring Jodi Sta. Maria and Feelennial nina AiAi delas Alas and Bayani Agbayani na showing naman sa June 19.

All out horror ang Clarita na kuwento ng exorcism at talagang intense ang naging acting ni Jodi bilang babaeng sinaniban ng demonyo. Physical ang marami niyang eksena kasama sina Ricky Davao, Ahron Villaflor and Alyssa Alvarez.

Lahat sila magagaling bukod pa sa nakakabilib ang cinematography, production design, music and direction nito.

Oo nga at kuwento ito ng exorcism na suki sa Tagalog films, malaking tulong ang galing ni Jodi at execution ng kuwento na base sa totoong istorya ni Clarita Villanueva na isang dalagang galing probinsiya na sinasaniban ng mga demonyo noong 50s.

 At  malaking story pala ito noon dahil nga maging ang dating mayor ng Manila na si Arsenio Lacson ay personal na nakita kung paano nangyayari ang pagsanib ng mga demonyo at kung paano itong umaatake.

Kung nananakot ang Clarita, pampasaya naman ang Feelennial.

Kumpirmadong mas maganda ito kesa sa huling pelikula ni AiAi delas Alas na Nanay ni Sabel with Ex Battalion.

Ang cute nito at tiyak na maraming makaka-relate.

Nag-swak sila ni Bayani sa first time nilang pagtatambal.

Tulad sa sina-suggest ng title, mga feeling millennial sila na uso ngayon sa marami.

Ginagawa nila ang mga habit ng millennial para maka-adjust sa lifestyle ng anak at pamangkin.

Pero hindi trying hard ang tambalan nila in all fairness.

Mas bagay talaga kay AiAi   ‘yung mga ganung role. Saka maganda siya sa movie. Hindi kasi madrama at obvious na tinutukan ni Pops Fernandez na isa sa mga producer ng pelikula ang shooting dahil pati mga ginamit na bahay, ang gaganda. Co-producer ni Pops sa movie ang Cignal Entertainment.

Showing naman ito sa June 19.

Graded A ng Cinema Evalua­tion Board (CEB) ang Clarita at Graded B naman ang Feellennial.

Sana nga parehong kumita ang Clarita at Feelennial.

Eddie coma pa rin

Nanatiling nasa critical condition ang veteran actor / director na si Eddie Garcia hanggang sa nagdi-deadline kami kagabi.

“He is in a comatose state with minimal spontaneous respiration,” update ni Dr. Artemio Salvador, Patient Relations Department Division Head of the Makati Medical Center, sa kanilang medical bulletin kahapon.

Nagdarasal ang buong showbiz na malagpasan ni Mang Eddie ang kalagayan sa kasalukuyan matapos nga siyang mapatid sa cable wire habang nasa rehearsal ng taping para sa Rosang Agimat at mabali ang leeg.

Yup rehearsal lang pala ‘yun at hindi pa actual take nang maaksidente ang award winning actor.

Naalala nga ang nangyari sa beteranong actor sa naranasan noon ni Christopher de Leon na aksidente namang natamaan ng bala ng baril na may pulbura pala.

Kinukuwento ni Nay Lolit Solis kahapon sa digital program  nila ni Nay Cristy Fermin na Take It... Per Minute! na guest co-host si Ogie Diaz dahil nasa birthday vacation si Mr. Fu, na nanganib din ang buhay noon ng isa pang award winning actor dahil nga sa tumagos na bala sa kanyang singit.

Ilang beses daw itong isinugod sa hospital pero sinagot ng GMA ang lahat ng gastos at naintindihan naman ng aktor na aksidente ang nangyari.

Naging guest nga pala ng Take It... Per Minute kahapon si Ms. Sylvia Sanchez na ang rami ng kuwento kaya nag-overtime kami ng 30 minutes.

Anyway, bukas na ang mga tsika ni Ms. Sylvia tungkol sa kung paano iniipon ni Arjo ang mga kinikita niya, ang naging boyfriend ni Ria at kung gusto niyang maging beauty queen at kung paano niya pinahahanap ang kanyang ama sa Brazil, patay o buhay.

Sa mga hindi nakapanood ng live kahapon, punta lang sa Facebook Page ng Pilipino Star Ngayon.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with