^

PSN Showbiz

Jodi naalala ang anak nang isabit-sabit at ibali-balibag sa ginawang pelikula!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi naalala ang anak nang isabit-sabit at ibali-balibag sa ginawang pelikula!
Jodi Sta. Maria

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Clarita na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Ayon sa aktres ay ito na marahil ang pinakamahirap niyang nagawang proyekto mula noong nagsimula siya sa show business.

“Lahat, I would say that this is one of the most difficult, most dangerous and most challenging na nagawa ko sa buhay ko,” nakangiting bungad ni Jodi.

Maraming mga bagay ang ngayon lamang naranasan ng aktres habang ginagawa ang nasabing horror film mula sa Black Sheep. “The next thing I knew, ako na ‘yung nakasabit. Ako na ‘yung nakabaligtad. Halos lahat po ng stunts, ako ‘yung gumawa. That’s the first time na ginawa ko ‘yon for a project. May mga scenes na very physical. So hindi maiiwasan na magkapasa. May mga times na sumakit ‘yung crotch area because of the harness. Kinailangan nila akong isabit sa ceiling, hinarness nila ako nang pabaliktad. Mataas ‘yung kisame, takot ako sa heights. Nakakakaba talaga, lalo na ang taas-taas no’ng pagkasabit. Sabit dito, balibag diyan. Ang pumasok sa isip ko, ‘Paano kung maputol ‘yung tali? Paano kung hindi makaya ng kutson na sasalo sa akin? Paano na ‘yung anak ko?’” masayang kwento ng aktres.

Nakaranas ng posesyon ang karakter ni Jodi bilang si Clarita Villanueva kaya kinailangan ding lagyan ng prosthetics ang aktres sa ilang mga eksena rito. “Mahirap ‘yung prosthetics ni Clarita kasi may levels din siya. Buong body ko covered ng prosthetics, particularly ‘yung buong face ko hanggang neck ko. Before nila i-apply ‘yon, kailangan muna kaming gumawa ng face casting. Kailangang takpan ng plaster ‘yung buong face ko na ang hole lang na meron is sa nose para makahinga ako. Ang dilim-dilim, wala na akong makita,” pagdedetalye ni Jodi.

Maraming mga lengguwahe rin umano ang kinailangang pag-aralan at kabisaduhin ng aktres para mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa pelikula. “Hindi ko naman naiintindihan ang Latin. Hindi rin ako marunong mag-German or French. Pero kailangan mo sabihin with full conviction. You have to deliver it with conviction and emotion,” dagdag pa ng aktres.

Kahit sobrang nahirapan ay maipagmamalaki naman daw ni Jodi sa lahat ng mga manonood at sa mga susunod pang henerasyon na talagang maganda ang bagong pelikula. “Once in my life na-experience ko ‘yung bagay na ‘yon na hindi ako kumportable pero kailangan kong gawin. Later on baon mo ‘yon. Hindi naging madali ‘yung proseso pero sa rushes na nakita namin, very rewarding,” pagtatapos niya. - (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with