^

PSN Showbiz

Phillip apektado sa nangyari kay Eddie!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Phillip apektado sa nangyari kay Eddie!
Phillip Salvador

SEEN: Patuloy na pagdarasal para sa veteran actor na si Eddie Garcia ang hiling ng kanyang pamilya at mga kaibigan. “More and more prayers,” ang sabi ng pamilya ni Eddie na hindi nawawalan ng pag-asa na gagaling ang 90-year-old multi-awarded actor.

SCENE: Sa unang official statement ng pamilya ni Eddie Garcia noong June 7, heart attack ang dahilan kaya nawalan siya ng malay sa taping ng Rosang Agimat, ang upcoming primetime television series ng GMA 7. Kahapon, nilinaw ng pamilya ng aktor na ang pagkakadapa niya dahil napatid siya sa kable ang rason ng kanyang collapse, hindi ang naunang report na heart attack.

SEEN: Deeply affected si Phillip Salvador sa nangyari kay Eddie Garcia. Dalawang araw na out-of-town si Phillip, kasama si Robin Padilla at ang dalawin sa ospital ang veteran actor ang isa sa mga plano nila kapag bumalik na sila sa Maynila.

SCENE: Ang 35th Star Awards for Movies na ginanap noong June 2, 2019 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang huling awards night na dinaluhan ni Eddie Garcia dahil kabilang ito sa labindalawang artista na pinarangalan na Natatanging Bituin ng Siglo. Pagkatapos ng segment ng Natatanging Bituin ng Siglo, hindi agad umalis ng Newport Performing Arts Theater si Eddie Garcia at ang co-awardee nito na si Gloria Romero dahil hinintay pa nila ang announcement ng winners sa best actor and best actress category. Kapwa nominado ang dalawa sa mga nabanggit na kategorya.

SEEN: Ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ng Viva Films ang bagong pelikula ni Eddie Garcia na malapit nang ipalabas sa mga sinehan. Sina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla ang co-stars ni Eddie sa sequel ng 2001 movie ng Viva Films at mula pa rin ito sa direksyon ni Al Tantay.

vuukle comment

PHILLIP SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with