^

PSN Showbiz

Jessa pinaghihigpitan ang anak

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jessa pinaghihigpitan ang anak
Jayda Avanzado

Tama lang si Jessa Zaragoza na paghigpitan muna ang panganay nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado. Bata pa ito at maganda ang tinatakbo ng karera sa pagkanta, sayang naman talaga kung masa-sidetrack ito ng affairs of the heart, kahit pa si Darren Espanto ang nanliligaw dito. Hindi naman ang binata ang inaayawan nila kung hindi ang hindi pa kahandaan ng kanilang dalaga na magseryoso sa pag-ibig. Tama!!!!

Bayani to the rescue sa ngangailangan

Hindi lamang pala sa comedy maaasahan ang komedyanteng si Bayani Agbayani, kapag may pagkakataon tumutulong din siya sa mga taga-media na nalalagay sa alanganin ang buhay. Tulad na lamang ng kapatid sa panulat na si Letty Celi na kasalukuyang nasa ICU ng St. James Hospital sa Sta. Rosa, Laguna dahil sa sakit na diabetes. Pagkaraang makauwi ng bahay mula sa Star Awards for Movies na kung saan ay ginawaran ang well-loved entertainment writer bilang isa sa apat na Pillars of PMPC at saka siya inatake ng kanyang karamdaman na nagdala sa kanya sa hospital.

Isa si Bayani sa tumugon sa pangangailangan ng may karamdaman. Agad nitong inabisuhan ang mga kasamahan niya’t kaibigang artista na tulad nina Robin Padilla at Phillip Salvador, ganundin ng bagong halal na Senador Bong Go na pinapunta pa ng ospital ang kanyang staff para masiguro na naalagaang mabuti ang may sakit. Nagbigay din ito ng financial help, tulad din nina Robin and Phillip. Kung hindi dahilan kay Bayani ay baka wala pang nakakabatid ng kalagayan ni Gng. Celi-Reyes. Siya rin ang nagparating ng pagkakasakit nito kay Willie Revillame. Salamat sa tumulong, at nangako rin ng tulong na si Cong. Dan Fernandez. Kaya naman patuloy pa rin ang growth ni Bayani bilang comedian, bukod sa talagang nakakatawa siya ay nakakaiyak pa rin ang pagiging matulungin niya.

MMFF 2019 mas maraming bigating artista!

Sino ba talaga ang makakasama ni Coco Martin sa kanyang Metro Manila Film Festival 2019 entry, ang mga Kapuso bang sina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado o ang kapwa niya Kapamilya na si Angel Locsin? Isa lamang ang casting coup na ito sa pinakakaabangan sa malaking event ng lokal sa pelikula sa Kapaskuhan.

Nagbabadya ng isang malaking preparasyon at magandang Pista ng Pelikula ang MMFF 2019. Nagpasabi na rin ng interes ang producer ng pelikula na magtatampok naman kina Nora Aunor, Christopher de Leon at Tirso Cruz lll. Naanunsyo na magpa-participate din sina Vice Ganda at Anne Curtis. Mayro’n ding planong gawan ng movie si Cong. Vilma Santos with Aga Muhlach and Gabby Concepcion. Si Sen. Bong Revilla, interesado rin sa MMFF 2019.  With these stars in their line-up, o di ba mas magiging exciting ang event? May artista bang papayag na maungusan sila ng mga kalaban?

Ex Battalion kapos sa respeto!

Dapat hindi na sinasagot ng Ex Battalion ang mga binibitawang mga salita ni AiAi, bilang respeto na lamang sa ex-manager nila. Sa kanila naman nagsimula ang paghihiwalay nila. At para rin hindi tuluyang magalit sa kanila ang followers nila and the public in general. Mapapatunayan lamang na may dahilan ang pag-iwan ni AiAi sa kanila kapag nagpatuloy ang sagutan nila sa social media. Meron naman sigurong dapat silang lingunin kay AiAi at kahit wala, respeto na lamang ang pairalin nila.

vuukle comment

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with