^

PSN Showbiz

Pinagdasal na Christian movie ni Baron, natupad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pinagdasal na Christian  movie ni Baron, natupad
Baron Geisler

Walang selebrasyon sa birthday

Noong June 5 ay nagdiwang ni Baron Geisler ng kanyang ika-tatlumpung pitong kaarawan. Masayang-masaya ang aktor dahil kahit hindi nagkaroon ng marangyang selebrasyon ay abala namang muli sa pagtatrabaho. “Wala nang party-party, nagtrabaho lang ako. Walang cake, walang kahit ano. Kasi nga alam naman nilang lahat ng stand ko regarding self entitlement, wala na. Tinanggal ko na talaga ‘yung self entitlement,” makahulugang pahayag ni Baron.

Ayon sa binata ay natupad na ang matagal nang pinapangarap na makabalik muli sa industriya. Regular nang napapanood si Baron sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ngayon. “Granted na ‘yung birthday wish ko na makabalik. Pero siyempre gusto ko rin na maibalik ko ‘yung tamang attitude, tamang pakikisama sa mga taga-industriya. Gaya ngayon, bawat taping ko sa Probin­syano may nagiging kaibigan ako. Hindi ko na ina-isolate ‘yung sarili ko. Lumalapit na ako sa artistang hindi ko dati nalalapitan kasi natatakot ako or sa tingin ko takot sila sa akin. Parang may peace of mind na ako talking with them at nakikita ko rin naman na may respeto na sila sa akin,” paliwanag ng aktor.

Samantala, isang makabuluhang pelikula ang pinag­hahandaan nang gawin ni Baron. “Ipinagdarasal ko last year pa na makagawa ng isang matinding Christian film at natupad na siya. Tinawagan na ako days ago ni Bishop. Tuloy na ‘yung film na ako ang bida,” pagbabahagi niya.

Maris open na sa bagong relasyon!?

Kahit nagkahiwalay na ng landas ay maayos naman daw ang naging pag-uusap nina Maris Racal at Inigo Pascual. Abala na sa kanya-kanyang mga proyekto ang dalawa ngayon at wala namang problema kung magkaroon ng ibang mga katambal.

“Yes, we’re open to working with other people. Ngayon lang talaga na may mga… hindi ko po kasi masasabi na over na at all. Open naman kami to work again. It’s just that, iba talaga ‘yung path na gusto for us,” nakangiting pahayag ni Maris.

Inamin ng aktres na matagal na niyang naihanda ang sarili na posible talagang magkahiwalay sila ng aktor. Hindi man na­ging opisyal na magkasintahan ang dalawa ay mahigit naman sa isang magkaibigan ang naging turingan nila. “Siguro in-expect ko na ‘to. Open naman si Inigo ever since. Music talaga siya and nag-acting lang siya dahil gusto niya makipag-work sa akin,” paglalahad ng dalaga.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Maris kung nakahanda na siyang muli na makaha­nap ng bagong inspirasyon dahil sa nangyari sa kanila ni Inigo. “Hindi ko alam eh. ‘Pag may dumating na maayos and pareho kami ng gusto and kung ‘yon na talaga ang the one, okay na,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with