^

PSN Showbiz

AiAi at Bayani relate much sa pagiging Feelennial

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
AiAi at Bayani relate much sa pagiging Feelennial

MANILA, Philippines — Cute ang trailer ng romantic-comedy movie na Feelennial starring AiAi delas Alas and Bayani Agbayani na produced ng Cignal Entertainment with DSL Productions na kumpanya ni Pops Fernandez.

At ang exciting, first time magkakasama sa pelikula nina AiAi at Bayani. Sa Magandang Tanghali lang sila nagkatrabaho.

Tiyak ding maraming makaka-relate rito dahil nga sa pagiging feeling millennial nila na kuwento tungkol sa middle-aged individuals na ang pakiramdam at kung umarte ay tulad ng isang millennial.

Gagampanan ni AiAi ang role ni Madame Bato-Bato, isang rich single mom na nasa kanya na ang lahat maliban sa attention ng anak. Sinubukan niyang mag-adjust sa mga ginagawa ng anak na millennial para mapansin siya. Pero habang nagpapaka-millennial, makikilala niya si Chito (Bayani’s character) na isa ring ma­yamang bachelor na nagkamal ng malaking salapi nang manalo sa lotto.

 At doon na mag-uum­pisa ang lahat sa kanila at makikita na kung paanong ang romance and family dynamic has changed sa kasalukuyang sistema ng ating society.

The movie is directed by Rechie del Carmen.

Hoping and wishing si Bayani na tutulungan sila ng fans na kumita ang movie tulad sa Japan na hindi nag-No.1 sa box office ang Avengers  dahil mas tinatangkilik ng mga Hapon ang sariling pelikula nila. Kasama si Bayani sa nag-entertain sa mga Pinoy sa Japan nang bumisita si Presidente Digong Duterte kamakailan lang.

vuukle comment

AIAI DELAS

BAYANI AGBAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with