^

PSN Showbiz

Lilipatang bagong bahay ni K six years ginawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sobrang excited na si K Brosas dahil malapit nang makalipat sa bagong bahay na kanyang ipinagawa. Masayang-masaya ang singer-comedienne dahil natupad na ang kanyang pinangarap lamang noon na makapagpundar ng sariling bahay at lupa. “Six years in the making kasi six years ago ko pa binili ‘yung lupa. Last year ko lang pinatayuan. Kasi ayoko talagang mag-loan, so cash ito. Talagang pinag-ipunan ko. Ngayon medyo na-delay ng konti kasi ma­ra­ming ginagawa. Gano’n pala magpatayo ng bahay,” nakangiting kwento ni K.

Samantala, ibinahagi ng hurado ng Tawag ng Tanghalan na sumabak na rin ang anak niyang si Crystal Brosas sa pagkanta at sa pagsusulat ng sariling awitin. “Currently, nagre-recording siya sa bahay. Gumagawa siya ng bagong songs. I’m so proud kasi talented, nasa kanya lahat. Mas talented siya sa akin actually,” pahayag ni K.

Maaari nang mapakinggan sa Spotify ang unang single ni Crystal na may titulong Walang Malay. “’Yung boses niya hindi manufactured. Sabi ko sa kanya, you have to have your original sound. Saka range niya gano’n lang, sweet lang ‘yung boses, nothing fancy. Pero most importantly, sarili niyang composition, it’s her own songs,” dagdag pa ni K.

Abala ngayon si K sa paghahanda para sa concert nila ni Angeline Quinto na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 12. Magiging espesyal na panauhin ng dalawa sa Angeline K ‘To sina Erik Santos, Empoy at Ogie Alcasid.

Ian parang Train to Busan ang ginagawang pelikula!

Dalawang taon na ang nakalilipas nang huling mapanood sa isang teleserye si Ian Veneracion. Matatandaang nagbida ang aktor sa A Love To Last na talaga namang napamahal sa mga manonood noon.

Masaya naman daw ang aktor kahit hindi abala o napapanood sa telebisyon ngayon. “When you’re doing a movie naman it’s not everyday like a teleserye. With teleserye, wala kang magagawa talaga na iba. Pero with movies I can do concerts kahit sabay-sabay. Like I can do rehearsals for this and then may days naman na shooting na okay lang, kaya ng schedule. I’m doing a movie right now Block Z with Joshua Garcia and Julia Barretto and it’s about zombies. It’s something to look forward to,” nakangiting pahayag ni Ian.

Si Mikhail Red ang direktor ng bagong pelikulang ginagawa ng aktor.

Aminado si Ian na talagang malaki ang paghanga niya kay direk Mikhail dahil sa istilo nito sa trabaho. “We’re not even halfway. Working with direk Mikhail is really good. I saw Birdshot which I really liked. He’s so well organized and when I read the script ang ganda. Tapos it’s not your typical, masabi lang na merong zombie movie. They had to audition so many applicants as zombies and may workshops. May iba-ibang levels of infection, merong iba-ibang waves. Sobrang organized, ang galing. It’s legit talaga na puwedeng pang-international na ilalabas. Kasi merong Train to Busan ang Korea. Tayo wala pang gano’n so we’re hoping na ito ‘yon,” pagdedetal­ye ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

K BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with