^

PSN Showbiz

Mga mamahaling gamit ni Scarlet ayaw tantanan ng mga naiinggit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga mamahaling gamit ni Scarlet ayaw tantanan ng mga naiinggit!
Scarlet

Katawa naman iyon mga pumapansin sa mga suot na damit at accesories ni Scarlet hah, Salve. Halos lahat nga ng suot niya ay bigay ng tita Alice Eduardo, Small Laude at Rubby Coyuito niya na talagang love na love si Scarlet at cute na cute sa kanya kaya tuwing may nakikitang mga bagay na maganda para sa bata, binibigay nila ito sa anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Sure ako na hindi alam ni Scarlet na ganun kamahal ang mga sinusuot niya. Sino bang bata ang alam ang presyo o tatak ng anumang bagay?

Huwag naman natin idamay ang bata, kawawa naman. Kahit sila Zia at Talitha ganun din, ang daming natatanggap na regalo sa mga taong tuwang-tuwa sa kanila. Kasalanan ba na mahal at maganda ang regalo na natatanggap nila? Be fair, huwag pati bata pinapatulan, huwag ganun ka­kitid ang utak. Mga angel iyan, sige kayo, malakas kay God ang mga bata, makarma kayo.

 Kris nag-throwback   sa kanila ni Ipe

At dahil Huwebes ngayon, nag-throwback Thursday si Kris Aquino nang ipagbuntis nito ang kanyang anak na si Joshua noong 1994.

Ako ang manager ni Kris noong mga panahon na ‘yon kaya privy ako sa mga nangyayari sa kanyang personal life tulad ng relasyon nila ni Phillip Salvador na nagsimula sa shooting ng Nandito Ako sa Mabitac, Laguna.

Twenty four years-old si Kris nang isilang niya noong June 4, 1995 si Joshua, ang love child nila ni Phillip na nagdiwang ng 24th birthday noong Martes.

Inilihim muna ni Kris sa publiko ang kalagayan niya noong 1994 kaya naglabas siya ng official statement tungkol sa kanyang US trip para magbakasyon.

Ngayon, common knowledge na hindi sila nag-uusap ni Ipe.

Binata na rin si Joshua na mahal na mahal si Kris.

vuukle comment

HAYDEN KHO

JR.

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with