^

PSN Showbiz

Shaina ‘di pa nire-renew ng Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Shaina �di pa nire-renew ng Kapamilya
Shaina Magdayao

May bulung-bulungan na may balak nang lumipat ng TV station si Shaina Magdayao. Napabalitang may alok umano ang aktres mula sa Kapuso network.

“I am a Kapamilya. I am here in ABS-CBN. We just finished doing another project for ABS, which is ‘Past, Present, Perfect?’ Sa buong karera ko, sa buong pinagdaanan ko, hindi naman natin maaalis na magpapasalamat ako. Number one sa ABS dahil dito na ako lumaki. But number two, also sa kabilang istasyon dahil doon ako nagsimula. Kung may offer man, malalaman n’yo naman eh. But right now, I’m here in ABS,” paglilinaw ni Shaina. 

Nagsimulang magbida sa telebisyon ang dating child star sa teleseryeng Lyra ng GMA noong dekada nobenta.

Napapanood na sa iWant ang digital series na Past, Present, Perfect? na pinagbibidahan nina Shaina, Loisa Andalio at Vin Abrenica. Sa ngayon ay hindi pa muling nakapipirma ng kontrata ang aktres sa Kapamilya network. “Meron po, kaya lang alis po ako nang alis. Ang daming nangyayari, hindi pa settled lahat ng magagandang nangyayari sa akin. I’ve been telling myself na pahinga muna pero habang nagpapahinga ako, may nangyayaring ganito. Napaka-generous talaga ng Panginoon when it comes to blessing me ang my career,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Maris at Loisa, tinuldukan na ang pagiging childish

Naikwento ni Maris Racal na nagkaayos na ang mga kaibigan niyang sina Sue Ramirez at Loisa Andalio. “Na­ging initiative po nilang dalawa ‘yon, Tito Boy. Sila talagang dalawa ang nag-resolve ng problema nila. Siguro over time. I mean naging okay muna sila like personally okay na. And then nag-usap sila, which is very natuwa ako nung sinabi sa akin ni Sue,” nakangiting kwento ni Maris. Kasintahan ngayon ni Loisa si Ronnie Alonte na minsan namang naugnay din kay Sue.

Maging ang gusot sa pagitan nina Maris at Loisa ay naayos na rin kamakailan. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ng dalawa noon pang isang taon.

“Nag-usap kami personally. Una sa text muna. Nagkita kami and then nag-usap. Parang naging okay na lang. Over time, nagkapansinan na talaga and then nangyari ‘yan. Parang okay na talaga,” pagdedetalye ng aktres.

Para sa dalaga ay mababaw lamang ang na­ging dahilan ng kanilang tampuhan ni Loisa noon. Mas tumatag na ngayon ang pagiging magkaibigan nina Loisa at Maris dahil sa mga nangyari sa kanila. “Na-realize namin‘yung pagiging childish namin before. And then now mas mature na, mas okay na talaga,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with