^

PSN Showbiz

Bakbakan nina Dimples at Beauty matagal pa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bakbakan nina Dimples at Beauty matagal pa!
Dimples at Beauty

Patuloy na pinag-uusapan ang tapatan ng mga karakter nina Dimples Romana at Beauty Gonzalez sa teleser­yeng Kadenang Ginto. Malaki ang pasasalamat ni Dimples dahil kahit kontrabida ang kanyang role bilang si Daniela ay minahal pa rin ng mga manonood ang kanilang programa. Gumaganap naman si Beauty bilang si Romina at inaabangan araw-araw ang mga eksena ng dalawa.

“I’m so grateful on how our Kadenang Ginto fans are embracing Daniela and I love it. Because not even kontrabidas have their own different personas, not all kontrabidas are black. There are gray moments where Daniela shows her heart,” naka­ngiting bungad ni Dimples.

Maging sa social media ay pinag-uusapan ang karakter ng aktres at posibleng isa ito sa mga dahilan kung bakit namamayagpag sa ratings ang serye. “Ang saya di ba? There are moments na kapag nagbabasa ako, ‘Oh my god, imi-meme nila ito!’ Alam ko gagawin nila nito,” dag­dag pa ng aktres.

Ayon kay Dimples ay matagal pang masusubaybayan ng mga tagahanga ang Kadenang Ginto. “Puwede ko ba sabihin? Parang di ko yata puwede sabihin pero huwag kayo mag-alala mga KG fans. Matagal na matagal pa,” natatawang pagtatapos niya.

Ganun…Anak ni Pacquiao dumaan sa matinding panliligaw sa magulang ng GF

Ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel ang kauna-unahang naging kasintahan ni Hea­ven Peralejo. Umabot ng isang taon ang panliligaw ng binata bago pa raw tuluyang napasagot ang aktres. “Kasi ako naman po gusto ko makita ‘yung effort. Naghihintay din po ako no’n ng sign. Hinihintay ko rin po na ready ako. Kasi siyempre ayoko naman pong pumasok sa first relationship ko nang nagmamadali,” pali­wanag ni Heaven.

Ayon sa dalaga ay niligawan din umano ni Jimuel ang kanyang mga magulang at buong pamilya. “Niligawan niya po ‘yung both families ko. Umakyat po talaga siya ng ligaw sa both parents ko. So talagang pinaghirapan niya ‘yon,” giit ng aktres.

Noong una ay kinailangan pang itago nina Heaven at Jimuel ang tungkol sa kanilang relasyon. Mina­buti ng dalawa na huwag munang ipaalam sa publiko ang ginawang panliligaw ng binata sa aktres noong isang taon. Matatandaang nito lamang March inamin ng magkasintahan sa publiko na opisyal na silang magkarelasyon.

“Kaya tinago rin namin for a while, habang nanliligaw po. Habang hindi pa sure. Sabi ko sa kanya, ‘Atin na lang muna, privacy muna.’ Kasi ayoko din naman na ang daming masasabi ng mga tao. And hindi ko naman maiiwasan din po ’yon. So parang mas gusto kong i-cherish muna kung anong meron kami at hindi siya sa public eye,” paglalahad ng aktres.    

(Reports from JCC)

vuukle comment

DIMPLES ROMANA AND BEAUTY GONZALEZ

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with