^

PSN Showbiz

Mga nanalong senador, gustong magpasalamat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit masama ang katawan at ang pakiramdam ko, natuwa naman ako sa mga tawag sa cellphone na natanggap ko.

Halos lahat ng mga senator na nagbigay ng presscon para sa entertainment press, tumawag sa akin para sa isang thanksgiving lunch.

Na-appreciate ko ang kanilang pasasalamat at kagustuhan na magkaroon ng patuloy na communication sa showbiz press.

Talagang nagulat ako dahil kasama ang pagbibigay ng lunch sa entertainment writers na nagsulat tungkol sa mga kandidatura nila sa kanilang mga to-do-list kapag nanalo sila sa midterm elections noong May 13, 2019. Bongga!

Take note, unang-una sa mga nagpasabi ng thanksgiving lunch para sa entertainment writers sina Senators Bong Go, Cynthia Villar, Bong Revilla, Nancy Binay at Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Maraming salamat po dear senators!

Misis ni Sen. Sonny Angara, marunong magpasalamat

Wala lang siguro si Lynette, Salve, kaya hindi pa tumatawag for a thank you lunch si re-elected Senator Sonny Angara.

Sa mga ganitong panahon, ang misis ni Senator na si Tootsy ang isa sa mga pinakauna na nagpapasalamat.

Sina Mayor Toby at Congressman John Rey Tiangco, lagi rin nagpapaabot ng pasasalamat, lalo na sina Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque at Makati City Mayor Abby Binay.

Sure ako na sunud-sunod na naman ang mga lunch na pupuntahan natin kaya dapat na gumaling na ako sa pagod na inabot ko sa South Korea.

Kaloka kasi ang schedule natin nina Rose, Elena at Aileen Go. Mega hectic ang schedule para sa isang 72-year-old na tulad ko. Grabe talaga.

Kung hindi lang mabait ang tour guide natin na si James, mas lalo pa sigurong naging hectic ang schedule natin dahil sa layo ng mga location na pinuntahan natin kaya sa blow out sa atin ni Lynette sa Japan, alam mo na, more on sleeping mode ako kesa touring no!

Yasmien Panlaban ang boses sa A Whole…

Pinupuri si Yasmien Kurdi dahil sa bonggang rendition niya sa A Whole New World, ang theme song ng Aladdin movie.

Gandang-ganda ang mga tao sa version ni Yasmien sa kanta na unang pinasikat ni Lea Salonga noong 1992.

Ang sabi ng fans, crystal clear din ang boses ni Yasmien na kinukumbinsi nila na maging active uli sa recording para hindi masayang ang kanyang talent sa pagkanta.

To be a singer ang pangarap ni Yasmien kaya sumali siya sa unang season ng Starstruck. May mga hit song noon si Yasmien tulad ng I Know bago siya na-typecast sa mga dramatic role.

Hindi pa naman huli ang lahat para i-revive ni Yasmien ang kanyang singing career dahil hindi pa kumukupas ang husay niya sa pagkanta.

vuukle comment

SONNY ANGARA

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with