^

PSN Showbiz

Sandara sinorpresa si Lolit sa Korea

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sandara sinorpresa si Lolit sa Korea
Sandara & Lolit

Ayokong ma-overwhelm nang sobra pero talagang over ang gratefulness na nadama ko sa birthday dinner para sa akin na binigay ni Aileen Go ng Megasoft sa Jeju Japanese dining sa South Korea.

Nalula ako sa sobrang dami ng mga pagkain, lalo na nang dumating ang team Sandara Park, courtesy ni Elena Budingding.

Talagang gusto ko na maiyak dahil may cake na dala si Sandara habang kumakanta ng Happy Birthday in Korean na sinasabayan ng glam team niya.

Nakatingin ang lahat ng mga kumakain sa very expensive restaurant dahil nagtataka sila kung sino ang kinakantahan ni Sandara ng birthday song.

Halos matunaw ako habang nag-blow ng candles dahil si Sandara ang personal na kumukuha sa akin ng video.

Kaloka talaga dahil never kong naisip na mangyayari ‘yon dahil 2 am na nang matapos ang taping ni Sandara para sa Korean television show niya pero nagbigay-oras siya para sa birthday dinner ko.

Masyadong busy si Sandara dahil halos araw-araw ang taping niya bilang isa siya sa mga top host sa Korea.

By choice pala talaga kaya hindi na tumatanggap si Sandara ng mga acting assignment dahil mas gusto na niya ang hosting.

Hay naku, totoo nga na magiging Korean na ako sa next life ko. Thank you talaga Ms. Aileen, Elena at so grateful ako kay Sandara dahil she made my 72 birthday so meaningful. Kamsamida talaga.

Korea overload!

Naku Salve, overload yata ako sa Korea now kaya parang gusto ko na sa Tokyo na lang tayo i-blow out ni Lynette.

Parang music na sa ears ko kapag narinig ko ang Saranghe, Haraso at Wee. Mas gusto ko na rin ang mga Korean music kaya magagalit sa akin ang OPM, ha ha ha.

Sasabihin ko kina Gorgy at Vinia na sa Tokyo na lang tayo magpunta, huwag na sa Korea dahil pati sa pagkain, hanap ko na lagi ang kimchi sa side dish at unfair na ito sa atchara natin.

Naku ayoko ko muna sa Korea for a while dahil sure na ako na Korea­na na ako sa second life ko at isa akong Empress kaya pupunta muna ako sa ibang lugar.

Sobrang spoiling ang ginawa sa atin ni Aileen Go ng Megasoft kaya nagkaroon ako ng Korean overload. Nasa break pati ang mga nasa military kaya kahit saan kami magpunta, mga taga-Descendant of the Sun ang nakikita ko. Muntik pa ako na pumunta sa Korean wake at hospital kaya break muna, rest nang konti.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with