^

PSN Showbiz

Sarah, may sarili ng cosmetics line

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, may sarili ng cosmetics line
Sarah

Masayang-masaya si Sarah Geronimo dahil natupad na ang pangarap na magkaroon ng sari­ling cosmetics line. Kamakailan ay nailunsad na sa publiko ang Pop Studio na bagong negosyo ng Popstar Royalty.

“Trend kasi siya ngayon. And ever since mahilig talaga ako mag-make-up. I enjoy doing my own make-up ‘pag meron akong personal na lakad. Actually ‘pag nagmi-make-up kami ng makeup artist ko medyo pakialamera me. Palaging collaborative,” nakangi­ting pahayag ni Sarah.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga taong nakapaligid sa kanya na patuloy na sumusuporta sa lahat ng mga ginagawa niya. “I’m happy na gano’n ka-supportive ang glam team ko. Gano’n din ka-supportive ang manager ko si Boss Vic (del Rosario). Buti na lang meron kaming mga industry experts who helped us in producing itong make-up line namin na Pop Studio,” paglalahad ng dalaga.

Kahit kabi-kabila ang showbiz commitments ay sinisiguro raw ni Sarah na natututukan din ang bagong negosyo. “Definitely, may mga consultant din kami na make-up artists. So very important na hands-on ako kasi nga gusto ko ‘yung ibebenta namin na produkto ‘yung talagang ginagamit ko rin. ‘Yung mae-enjoy kong gamitin hindi lang ‘yung mga custo­mers natin. We made sure na very relatable, ‘yung magagamit nila for their everyday look. ‘Yung day time pwede din pang-night time. Meron pang fresh look lang, tapos merong glam look at night. Tinatawag namin siyang two-in-one. So dual purpose siya kumbaga,” pagdedetalye pa ng aktres.

Loisa, gustong makatrabaho sina Dawn at Binoe

Napapanood na ngayon sa iWant ang Past, Present, Perfect? na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Vin Abrenica at Loisa Andalio. Katulad ng kanyang karakter bilang si Shantal sa nasabing digital series ay naranasan na raw ni Loisa noon na magkagusto sa mas may edad sa kanya.

“Sa teacher hindi pa ako nagka-crush. Noong bata ako crush ko si Francis M. (Magalona). Tapos no’ng napanood ko siya, sabi ko, ‘Ang pogi-pogi niya,’” pagtatapat ni Loisa.

Malapit umano sa puso ng aktres ang karakter dahil pareho sila ni Shantal na hindi alam kung ano ang gustong pasu­king propesyon. “Na-feel ko din kasi parang hindi ko pa rin alam ang gusto ko. Kasi no’ng hindi pa ako artista, gusto kong maging flight attendant. Pero ngayong artista na ako, hindi na pala kasi parang gusto kong maging teacher sa mga bata,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, dalawang artista ang pinapangarap ni Loisa na makatrabaho sa mga susunod niyang proyekto. “Gusto ko si Robin Padilla kasi sobrang angas niya. Saka idol kasi siya ni Ronnie (Alonte, kasintahan ng aktres). Sa babae, si Miss Dawn Zulueta. Kasi no’ng hindi pa ako artista, nanood ako ng ASAP tapos nakita ko siya. sobra akong na-starstruck,” pagtatapos ni Loisa. (Reports from JCC)

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with