^

PSN Showbiz

GF ni Jolo dini-display na ang engagement ring

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
GF ni Jolo dini-display na  ang engagement ring
Jolo Revilla at Angelica Alita

Napansin ng netizens ang sweet-sweetan na kuha ng magkasintahang Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita.

Nasa Los Angeles, California sila ngayon para magbakasyon, at nakikita naman sa mga post nila na ang saya nila.

Pero ang mas napansin ng netizens ayang suot na singsing ni Angelica. Iyon na nga ba ang engagement ring?

Ilang beses na namin natanong si Jolo tungkol diyan, pero ngiti lang ang sagot ng bise gobernador.

Ang kapansin-pansin kasi ngayon sa bagong lovelife ni Jolo, mas gusto niyang tahimik lang talaga.

Kapag tungkol kay Angelica ang itinatanong, napapangiti lang siya.

Hindi naman daw showbiz si Angelica kaya okay na raw iyun.

Nung minsang tinanong nga namin si Mayor Lani Mercado, wala rin siyang maisasagot dahil pagdating sa puso, hindi na raw sila nakikialam.

Bahala na raw si Jolo na magsalita kung meron silang sasabihin.

Kasi mukhang engaged na nga ang dalawa, ang hinihintay na lang ay kung pinaplano na ba ang wedding?

Alam naman naming hindi ito itatago ni Jolo, kaya abangan na lang ang announcement nila kung may plano na nga ba silang mag-asawa.

Baguhang model/actress kinalasan ang BF na nililibre sa dinner

Pagdating sa pangingialam sa lovelife, hindi na nagpaawat ang nanay ng isang baguhang model/actress.

Nalaman kasi niyang boyfriend na pala ng anak niya ang isang matangkad at guwapong aktor na produkto ng isang reality show.

Sabi ng nanay, hindi naman daw sa pagmamaliit, pero nakikita raw niyang walang future ang anak niya sa aktor na ito. Kaya ginawan niya nang paraang maghiwalay ang dalawa.

Mabait si baguhang aktres at alam niyang ‘di boto si Mommy kaya hindi na niya pinalala ang isyu, nakipag-break na lang siya.

Ang mahalaga kay model at baguhang aktres, masaya silang pamilya at hindi nila pag-aawayan ang lovelife kaya mas pinili niyang makipag-break.

Sabi kasi ng Mommy, nao-off daw talaga siya sa lalaking ang girlfriend pa ang magbabayad ng dinner. Kaya tingin niya, hindi makakatulong ito sa anak niya.

Ngayon ay boyfriend ni baguhang aktres ang guwapo ring singer/actor na nasangkot sa isang gulo kamakailan lang.

Nakabantay na naman ngayon si Mommy dahil sa kinasangkutang gulo ni singer/actor.

Mabait naman daw ito, kaya nakatutok lang muna siya at hindi pa niya pinapakialaman ang relasyon ng dalawa.  (

Gardo ramdam ang basbas ng namayapang  ina sa kanyang kasal

Pangako pala ni Gardo Versoza sa namayapa niyang ina na hindi talaga siya magpapakasal.

Sobrang close kasi si Gardo sa kanyang ina, hanggang sa sinasabi raw

niya nung nabubuhay pa ito na hindi talaga siya magpapakasal.

Naka-focus lang talaga siya sa nanay niya nung nabubuhay pa ito. Pero nung pumanaw ang nanay niya, nakipag-live in na siya sa long-time girlfriend na si Ivy Vicencio. Tanggap na rin daw ni Ivy na walang mangyayaring kasalan.

Pero kuwento ng aktor, nung nag-abroad daw minsan si Ivy, parang may naramdaman daw siyang mensahe mula sa nanay niya na dapat magpakasal na siya.

Kaya nung nagpakasal sila ni Ivy na kung saan sinorpresa niya ito sa kanilang Biker’s event, parang hindi na raw nakaiyak si Ivy kundi tawa na lang daw nang tawa na parang hindi makapaniwalang pakakasalan siya ni Gardo.

Kuwento ni Gardo; “Siya kasi, feeling ko imbes na maiyak, tawa siya nang tawa kasi hindi niya ini-expect na parang…kasi nga alam niya ang pagkatao ko na parang ayoko talagang magpakasal eversince. Kaya ko siya naramdaman kasi, feeling ko 50 na ako, it’s about time.

“Pagkatapos nung parang..nung wala siya, hindi ko alam kung anong spirit yung tumapik sa akin na parang sinabing ibigay mo na yan sa kanya.

“Kumbaga, parang siya na yung babaeng deserving na dapat kayo na talaga.

“Pinag-pray ko rin sa Nanay na parang pagpapaalam ko na medyo mababali ko yung promise ko kasi feeling ko para sa ikabubuti ng mag-ina di ba?”

Kaya feeling ni Gardo, parang may basbas ng kanyang ina ang pagpapakasal dahil parang nagparamdam na raw ito sa kanya.

Kaya sabi rin ni Ivy, sa church wedding daw nila na baka gagawin nila next year, paghandaan daw niya nang husto. Kailangan nakapag-ayos na raw siya at maganda naman daw ang wedding gown niya.

vuukle comment

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with