^

PSN Showbiz

Lorna T. hindi napilit sa ‘relasyon’ nila Coco at Yassi!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lorna T. hindi napilit sa �relasyon� nila Coco at Yassi!
Mr. Fu, Lolit, Cristy at LT

Asawa ng actress/singer, panay ang landi sa isang empleyado ng 5-star hotel!

Continuous ang communication ni Lorna Tolentino at ni Julia Montes kahit matagal nang tapos ang pinagsamahan nilang afternoon drama na Asintado. Last birthday lang ni Julia ay nag-usap-usap sila sa Viber Group ng Asintado team.

Pero walang alam si LT sa mga issue sa young actress particular na mainit at ayaw tantanang issue na diumano’y nagluwal ito ng baby na ang ama diumano’y si Coco Martin.

Hindi mo ba talaga nakitang malaki ang tiyan ni Julia? Hirit ng tatlong host sa actress? Kahit sa Asintado? “Hindi talaga Nay. Walang ganun. Saka nasa Probin­syano na ako ngayon.” Bigla nga kasing pinag-usapan si Julia nang magparamdam siya sa social media bilang suporta sa 65th anniversary ng ABS-CBN recently lang. Matagal din siyang tumigil sa pagpo-post.

Natanong din si Ms. LT kahapon sa guesting niya sa digital talkshow ng Pilipino Star NGAYON Facebook Page na Take It... Per Minute! (May Ganern) hosted by Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu kung naniniwala siya sa wala ring katapusang issue na may relasyon daw sina Coco Martin and Yassi Pressman. Matagal na ngang kalat ang kuwento tungkol sa kanila pero walang nagsasalita sa dalawang bida ng Ang Probinsyano na kilalang-kilala si Lorna ngayon bilang si Lily na siya (LT) pala talaga ang may idea sa kanyang hitsura sa hindi natitinag sa pagiging number 1 sa Primetime ng ABS-CBN.

Feeling ng drama icon, baka nabibigyan lang ng malisya dahil sobrang bait at gentleman daw talaga ni Coco. “Off cam wala akong nakikita na dapat kong pag-isipan ng ganun sa kanila.”

Anyway, isa si Ms. LT na ICON Awardee ng The 3rd EDDYS na gaganapin sa July 14, KIA Theater.

So nabibilang pa ba niya ang mga natanggap niyang award? Siyempre hindi matatawaran ang husay ni LT sa drama at tumatak ang bawat role na ginampanan niya. Nag-grandslam pa siya noon.

“Lahat nakaayos naman. Pati mga pelikula namin ni Daboy, inayos ni Rap, naka-library,” kuwento ni LT.

Teka ano nga bang secret ni LT at parang hindi naman nadagdagan ang edad niya? “Alagaan ang sarili,” sagot niya na mas pumayat ngayon dahil nagde-detox daw siya dahil may pinaghahandaan siyang pictorial.

Yup. Anim na bote ng detox juice ang iniinom niya a day for five days now. No rice at salad lang ang kinakain niya hanggang sa dinner. Kaya naman after less than a week, 2 inches ang niliit ng waist niya.

Ito, binuking din ni Nay Lolit na nagpaplanong pumunta sa Singapore si LT dahil gusto niyang magpa-’touch’ ng skin sa isang magaling na doktor doon na gumawa daw kay Ms. Korina Sanchez.

Saka ayaw pala niyang mapupuyat. Minsan daw pag sobrang puyatan na, gusto raw ni LT papatay na ang character niya ayon kay Nay Lolit na manager niya ever ever since pa kaya ang dami nitong throwback stories tungkol sa actress.

Sa mga young actress, si Bea Alonzo ang gusto niyang gumanap sa pelikula niya sakaling i-remake ang mga classic movie niya.

Aminado rin siyang may mga dream project pa siya. At ito ngang role niya sa Ang Probinsyano ay gustung-gusto niya kasi hindi nila alam kung saan patungo ang character niya.

Anyway, in between ng interview kay Ms. LT, nagtsitsikahan sila ng mga intriga at blind items.

Isa sa blind item ni Nay Cristy kahapon sa Take It... ay tungkol sa asawa ng singer / actress na gustong i-date ang isang manager ng isang five star hotel. Nagbabad daw ang nasabing mister ni singer / actress na minsan na ring na-link sa isang actress, sa nasabing hotel sa may Ortigas. Ayaw nang magbigay ng ibang clue ni Nay Cristy dahil nga gusto niyang itsismis pa ang nasabing mister ng singer / actor.

Sa umpisa pa lang ay nag-warning na si Nay Cristy kay Nay Lolit at Mr. Fu na ‘wag nilang papangalanan ang nasabing blind item na first time ginawa ni Nay Lolit dahil lagi nga itong nambubuking ng mga blind item. Eh si Mr. Fu ingat na ingat din sa mga comment sa BI dahil nga baka mahulaan agad.

Ang saya ng show though medyo na-tense kami nang makaramdam ng pagkahilo ng kaibigang si Jerry Olea (pep.ph) pero mabilis naman siyang dinala sa isang hospital na malapit sa Obra Ni Nanay Gallery na pag-aari ni Nay Cristy. Maayos na ang kalagayan niya sa kasalukuyan.

By the way, salamat nga pala kay now. Congresswoman Niña Taduran ng ACT-CIS na panay ang pasasalamat sa pag-No. 1 ng kanilang Partylist sa katatapos lang na election. Ganundin ang misis ng basketball superstar na si Terrence Romeo na si Ms. Pia.

vuukle comment

JULIA MONTES

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with