^

PSN Showbiz

Jimmy tuloy ang paggamit ng ‘Freedom Of Speech’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jimmy tuloy ang paggamit ng �Freedom Of Speech�
Jimmy

Ramdam naming maingat si Jimmy Bondoc na magpa-interview dahil malaking TV network ang nakakabangga niya, kaya nagpatulong na kami kay Arnell Ignacio na kung puwedeng makapanayam namin ito para malinaw ang lahat na mga ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Mabuti at pinagbigyan naman kami ni Jimmy nang dumaan kami sa tanggapan niya bilang VP for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR.

Nakausap namin siya sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH  nung isang gabi. Unang tanong namin sa kanya kung ano ang pinanggalingan ng ipinost niya sa kanyang Facebook account na kung saan tinamaan ang malaking network na obvious namang ang ABS-CBN ang tinutukoy niya.

Nilinaw muna ni Jimmy sa amin na wala siyang binanggit na pangalan ng TV network sa lahat na mga ipinu-post niya. Pero sinabi nga namin sa kanyang ang ABS-CBN 2 naman ang tinutukoy niya at sinagot nga niya ang ilang reaksyon ng mga kilalang artistang nagtanggol dito.

“Yung post na yun, sabi nila ang daming tinamaan dahil madaming sinabi.

“Sa isang banda, totoo. May tinamaan daw sa fixing ng mga contest, sa sexual harassment, sa unfair labor practices, sa malicious news, at ang sabi ng ibang mga concerned na kaibigan ko, bakit ang dami dami mo namang tinamaan na sabay sabay mo silang inaway.

“Una, hindi naman pag-aaway yun dahil wala naman tayong binabanggit na mga indibidwal. Pero iisa lang naman ang parang tumatahi sa lahat na yun ng mga isyu na yun at lilinawin.

“It is just really a very simple concept. It is uncheck power. Yun lang po. Kasi eto po, akala nila kalat kalat na tungkol sa sexual harassment, tungkol daw po sa malicious news and all that. Pero it is for me an issue of uncheck power.”

Kinlaro namin kay Jimmy itong sinasabi niyang ‘uncheck power’.

“Parang kahit na lang ba na kapag sabihin nilang bobo yan si Jimmy Bondoc, bakla raw si Jimmy Bondoc. Hindi ko sinabing sinabi nila yan ha? I’m just giving an example, kasi I don’t want them to think na meron akong personal na vendetta, wala.

“Wala akong ganyan. Wala akong malice. Walang malice ako to any person, paglilinaw ko yan.

“Siguro ang huli ko lang salita, okay lang po ba sa kanilang lahat, lahat po na nagsalita. Okay lang ba sa kanila ang sistema na ganun? Na kahit ano ay puwede nang gawin ng mga indibidwal na ito? Okay lang ba sa kanila yun? Yun lang po ang tanong ko,” pagdidiin ni Jimmy.

Isa na nga rito ang sinasabi niyang paglabas ng mga mali-maling balita o kuwento para siraan lang ang isang tao.

“Wala po akong personal na galit kahit kanino. Hindi ko alam kung bakit aawayin ng kahit sino nang personal.

“Kung pinersonal nila yung sinabi ko, nais ko pong malaman kung bakit, dahil ang akin namang tinatanong sa kanila ay issue of uncheck power.

“Okay na ba sa kanila na kahit ano na lang ang sabihin sa balita, kahit anong pahaging…I do believe in the freedom of speech. Ako po ay nag-aaral ng batas na yun. Alam ko naman yung basic concepts ng freedom of speech. Hindi ako matalinong tao, pero hindi naman po ako na walang alam. I do know na limits of freedom of speech. Pero ang problema diyan sa limits po ng freedom of speech ay hangga’t walang nagkakaso, tutuloy lang yan ang mga pang-aabuso ng freedom of speech. Iilan lang ba ang may kakayahan magkaso?

“So, ang sa akin, kahit na sino na lang. Sina Sen. Bong Go, nagwagi na babanatan pa. Parang, okay lang kung factual yung banat. Okay lang din yan, kasali sa freedom of speech po yan, kahit po nagkakatuwaan lang tayo. Pero kapag yung speech mo ay parang medyo tending towards medyo pasira na ng buhay, naninira na ng buhay, sunud-sunod, methodical, iba yun. Papunta na sa fake news eh,” patuloy niyang pahayag.

Pero pagdating sa isyu ng sexual harassment na inungkat niya, maingat ang mga pahayag ni Jimmy dahil may mga nakakausap na raw siya at pati ilang abugado na willing daw tumulong kung sakali.

“May iri-reserve muna ako na meron ako na konti na mga fact ano? Hindi naman siguro limit sa kaalaman natin na there is a possibility na maging kaso ito. Malamang hindi, pinagdasal ng lahat na hindi. Pero kung sakaling maging kaso yan, naka­handa naman kami.

“I withhold ko muna ang ibang bagay, kasi that is a legal matter.  Pero ako po ba ang unang narinig nyo na nagkuwento ng ganyan tungkol sa network na yan?

“Tao sa tao po, with all due respect sa lahat nang tatamaan, ako po ang unang naringgan sa kuwentong yan?

“Totoo po yun, kasi may mga nag-offer na po na mga abugado na kahit papano may tiwala sa akin. May mga kaibigan tayo na willing tumulong. Ayokong mag-escalate ang usapang into anything litigious. Hindi naman tayo nagkakasuhan dito eh. Pero kung doon umabot, handa naman tayo,” seryoso niyang pahayag.

Marami pang isyung sinagot si Jimmy, pero ang gusto lang niyang linawin sa mga ipinost niya sa kanyang FB account ay hindi raw siya nagpapasikat o nagpapapansin dito.

Bukas ang column na ito sa sagot ng taga-ABS-CBN kaugnay sa mga pahayag ni Jimmy.

vuukle comment

JIMMY BONDOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with