Mel Tiangco, buwis buhay sa pagho-host ng Magpakailanman!
MANILA, Philippines — Hindi talaga matatawaran ang dedikasyon sa trabaho ng GMA News Pillar at Magpakailanman host na si Ms. Mel Tiangco. Sa upcoming episode kasi ng award-winning drama anthology ni Tita Mel, binisita niya at ng kanyang buong production team ang mismong lugar ng pinangyarihan ng deadly 6.1 magnitude earthquake sa Pampanga noong Abril upang maibahagi ang kwento ng mga napinsala ng lindol.
Personal na sinadya ni Tita Mel ang mismong lugar sa Porac upang matunton at mailahad ang kalunus-lunos na sinapit ng mga biktima ng killer earthquake na mistulang The Big One. Patunay na hindi lang credible pero committed talaga si Tita Mel para makapaghatid ng isang makatotohanang episode sa loyal viewers ng kanyang programa.
Abangan ang episode na ito sa Magpakailanman ngayong darating na Sabado, June 1, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA 7.
- Latest